coffee

Mga mamsh, ask ko lng.. Bkit po bawal ang coffee sa buntis?

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kaya't heto ang ilang mga alternatibo sa kape na walang kahit anong caffeine: Herbal tea -- Ang regular na green tea ay mayroon pa ring kaunting caffeine. Kaya't sa halip na uminom ng green tea or black tea, mas mabuting uminom ng herbal tea na kadalasan ay walang caffeine. Mainit na tubig --Puwede ring dagdagan ng kaunting fruit juice ang mainit na tubig at puwede na itong gamitin na substitute sa kape tuwing umaga. Salabat --Maganda ring uminom ng salabat sa halip na kape dahil bukod sa ito ay refreshing, nakakatulong din ito para palakasin ang katawan at umiwas sa impeksyon. Dried fruit -- Kung kailangan mo ng energy boost na madalas nakukuha sa caffeine, puwedeng gamitin na substitute dito ang dried fruit. Siguraduhin na kaunti lang ang kakaining prutas dahil hindi rin mabuti ang sobrang sugar sa katawan. Ibang snacks -- Ang mga pagkain tulad ng granola, trail mix, at fresh fruits ay maganda ring kainin para pampagising at maging sanhi ng energy boost.

Magbasa pa
VIP Member

Epekto ng kape sa buntis, ano nga ba? Dati ay inirekomenda ng mga doktor na okay lang uminom ng kape ang mga ina basta't konti lang. Ngunit ayon sa isang bagong pag-aaral, mas mainam daw na hindi na lang uminom ng kape ang mga nagdadalang-tao. Ito ay dahil mas mataas daw ang posibilidad na magkaroon ng maliliit na sanggol ang mga inang umiinom ng caffeine habang nagbubuntis.  Natagpuan ng mga researchers mula sa Dublin, Ireland na napipigilan daw ng caffeine ang pagdaloy ng dugo sa placenta. Mahalaga ang mabuting blood flow mula sa placenta dahil ito ay nakakatulong sa paglaki ng sanggol.  Sa bawat 100mg ng caffeine na naiinom ng ina sa unang 3 buwan ng pagbubuntis, bumababa ng 0.5 lbs (72g) ang timbang ng sanggol. Dagdag pa nila, ang mga inang madalas raw uminom ng caffeine ay mayroong pinakamaliliit na sanggol kumpara sa mga inang hindi umiinom ng caffeine.

Magbasa pa
VIP Member

Hindi mabuti ang caffeine sa nagbubuntis Bukod sa epekto ng kape sa buntis tulad ng mababang birth weight, marami pang masamang epekto ang caffeine sa mga nagbubuntis. Noong 2008, may isinagawang pag-aaral sa 1,063 na babaeng nagbubuntis at natagpuan ng mga researcher na ang mga inang umiinom ng 200g ng caffeine kada araw ay mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng miscarriage.  May isa pang pag-aaral na nagsabi na ang pag-inom ng caffeine sa pagbubuntis ay nagiging sanhi ng childhood obesity sa mga sanggol.  Inirerekomenda ng mga doktor na hangga't maaari ay huwag uminom o kumain ng mga inumin at pagkain na may caffeine ang mga ina. Kabilang na dito ang kape, tsaa, pati na ang mga chocolate.

Magbasa pa

yung effect daw kase sa atin ganun din ang effect kay baby. as an adult parang di natin pansin like ngiging energetic tau at gising n gising. pero kay baby mas grabe sa kanya kase baby pa sya. just imagine kung gano pa sya ka fragile. pwede naman daw coffee at least 1 cup lang kahit ako guilty sa pag inom ng coffee lalo na ngaun tag-ulan. pag nakatikim na ko minsan di ko na inuubos kase dinadaanan naman ako ng guilt binibigay ko kay hubby, masaya na ko sa tikim lang 😅 although minsan nakakaubos din ako ng 1cup.

Magbasa pa
VIP Member

Because of the caffeine mumsh. Affected yung sensitivity naten to caffeine while pregnant and lactating. But you can still have a cup lang paminsan pero you can try drinking decaf or hot choco or other alternative instead.

May caffeine po kc..nkksma un sa baby...may studies na nagcacause xa ng abnormal growth for babies kya mnsan ung nasosobrahan ung caffeine while pregnant eh sobrang liit ng babies nla...

once or every other day is fine..gaya ko po..pag nag ccrave ako sa coffee in the morning..at night balik ako sa anmun

Nakakaliit ng baby. Baka maging malnourished sya at hindi magdevelop ng maayos.

Bawal po momshie kasi naapektuhan din dw kasi yung development ni baby. :)

Dahil po sa caffeine. Nakakabilis Ng heartbeat Ng bata. Magiging irregular