coffee

Mga mamsh, ask ko lng.. Bkit po bawal ang coffee sa buntis?

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Epekto ng kape sa buntis, ano nga ba? Dati ay inirekomenda ng mga doktor na okay lang uminom ng kape ang mga ina basta't konti lang. Ngunit ayon sa isang bagong pag-aaral, mas mainam daw na hindi na lang uminom ng kape ang mga nagdadalang-tao. Ito ay dahil mas mataas daw ang posibilidad na magkaroon ng maliliit na sanggol ang mga inang umiinom ng caffeine habang nagbubuntis.  Natagpuan ng mga researchers mula sa Dublin, Ireland na napipigilan daw ng caffeine ang pagdaloy ng dugo sa placenta. Mahalaga ang mabuting blood flow mula sa placenta dahil ito ay nakakatulong sa paglaki ng sanggol.  Sa bawat 100mg ng caffeine na naiinom ng ina sa unang 3 buwan ng pagbubuntis, bumababa ng 0.5 lbs (72g) ang timbang ng sanggol. Dagdag pa nila, ang mga inang madalas raw uminom ng caffeine ay mayroong pinakamaliliit na sanggol kumpara sa mga inang hindi umiinom ng caffeine.

Magbasa pa