coffee

Mga mamsh, ask ko lng.. Bkit po bawal ang coffee sa buntis?

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kaya't heto ang ilang mga alternatibo sa kape na walang kahit anong caffeine: Herbal tea -- Ang regular na green tea ay mayroon pa ring kaunting caffeine. Kaya't sa halip na uminom ng green tea or black tea, mas mabuting uminom ng herbal tea na kadalasan ay walang caffeine. Mainit na tubig --Puwede ring dagdagan ng kaunting fruit juice ang mainit na tubig at puwede na itong gamitin na substitute sa kape tuwing umaga. Salabat --Maganda ring uminom ng salabat sa halip na kape dahil bukod sa ito ay refreshing, nakakatulong din ito para palakasin ang katawan at umiwas sa impeksyon. Dried fruit -- Kung kailangan mo ng energy boost na madalas nakukuha sa caffeine, puwedeng gamitin na substitute dito ang dried fruit. Siguraduhin na kaunti lang ang kakaining prutas dahil hindi rin mabuti ang sobrang sugar sa katawan. Ibang snacks -- Ang mga pagkain tulad ng granola, trail mix, at fresh fruits ay maganda ring kainin para pampagising at maging sanhi ng energy boost.

Magbasa pa