Pagdapa ni baby
Hello mga mamsh ask ko lang po kung ilang months usually dumadapa ang mga baby? Yung mga baby nyo po ba ilang months po sila natuto dumapa?
Simula baby po sya dinadapa na namin kasi nagugulat sobra pag nakatihaya.. Pero hnd naman na oras oras nakadapa sya.. Ngaun 3mos na lo ko.. Minsan natutulog sya sa gabe samen ng husband ko nakadapa salitan kami padapa sa kanya sa dibdib namin.. Minsan naman sa unan...
usually may dumadapa na ng 3months pero 4month po sakin. wag lang po sya tutulungan kasi sa una iyakin baby ko pag di nya nagagawa. nagulat nalang kami kaya nya na at nakangiti pa
Turning 4 months si baby nung dumapa. Ok lng yan mommy iba-iba po tlaga ang time development ng mga bata 😊
dumapa na si baby nung 4 mos pero 8mos sya natuto gumapang. Nauna pa sya tumayo s playpen at 6mos
2.5 months. Depende sa baby yan hayaan nyo lang siya sa sahig at tummy time lang palagi.
Sa baby boy ko almost 4mos . C baby girl nman sakto 4mos. That day Dumapa sabay gapang
si baby ko turning 3 months nung dumapa sia😂 tapos ngaun gusto dpa ng dpa😂
si baby ko mamsh turning 3months ..ngayong 4months sya gusto lagi nakadapa 😊
2mos si LO ko natatagilid na nya ung katawan nya para dumapa 🥰
4 months and 3 days is mine.❤️