Bitin sa breastmilk ko si baby
Hi mga mamsh. 4th day na namin ni baby since pinanganak ko sya. Actually 3rd babh ko sya. 9years ang age gap sa last ko. And i feel like bitin sya sa gatas ko. Ano kaya maganda gawin? Healthy naman mga kinakain ko and dinadamihan ko talaga ang pagkain, alaga din ako sa milk at prutas pati sabaw sa mga ulam.. Pero bitin pa din at both sides nauubos ni baby. Ang ending pag wala na sya masipsip parehas iyak na sya ng iyak.. Naiistress ako mga mamsh kasi ginagawa ko naman lahat para dumami ang gatas ko pero parang kulang pa din :( gusto ko sana mag exclusive breastfeed pero parang naiisip ko na mag alternate na ng formulated milk para maging sapat kay baby at hindi sya mabitin. Hays please advise mga mamsh. 😔