Dala nga ba ng pag bubuntis to

Mga mamsh 1 month nako inuubo at may sipon lahat na try na namin ni ob nag antibiotic nag ascorbic lahat po, pero di parin ma wala wala ang ubo ko, nag hot lelemon tea araw araw naliligo mainit para ma steam.. Ayaw parin mawala ni ubo at sipon huhuhu sobrang nahihirapan na ako kada uubo ako medyo napapaihi nako tas may time narin na sumasakit tyan ko.. Currently 33 weeks.. Sabi sakin ng iba baka daw dala ng pagbubuntis mawawala daw pagka panganak.. Nakuuu CS pa naman ako.. Mahirap ubohin pag cs.. Ano sa tingin nyo mga miiii? Pa advice po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

normal del dapat ako pero naCS. nung nagllabor ako saka ako nagkaron ng ubo at sipon. nung nasa OR ako sinabi ko sa katabi ko na doctor na barado ilong ko nilagyan kasi ng nurses ng oxygen di ko maiinhale yun kasi barado. paggising ko sa recovery room wala ng barado ilong ko baka binigyan akong antihistamine habang tulog thru inject o kaya sa swero. nung nasa room pinakita na mga need kong meds kasama dun yung pampalambot ng ubo at antibiotic. masakit umubo sa 1st at 2nd day pero nung 3rd day kaya ko na iubo ng malakas pag makati lalamunan. tadtad rin kasi ako ng gamot isa pang antibiotic, pain killer, mefenamic at for abdominal cramps kaya bilis ng recovery hanggang sa bahay inuubo pero pagaling na, di sya gaano masakit. depende po kung san kayo manganganak at kung ano service at meds ang mabibigay sayo. depende rin sa katawan mo kung gano kabilis magrecover. pag public matagal po recovery kaya for sure masakit parin po sa sugat kung uubo. sa priv po ko nanganak kaya pati sugat tuyo agad

Magbasa pa

baka allergy. may pets po ba kayo? nakakatrigger ng allergy yong fur nila.