22 Replies
OMG, hindi ko kaya tong gantong setup. Regardless kung kasal o hindi. Dati, bagong kasal pa lang kame, 1yr more or less siguro, umuwi ang mister ko sa Bicol dahil may sakit ung byenan kong lalake. Nag tagal din sya siguro almost 6months den kaming hindi nagkasama. Sya nag alaga. Then nung gumaling na, nagpaalam syang uuwi na saken, kaso ayaw syang pauwiin and ang sabi sakanya, kelangan daw nila ng kaagapay at kasama ganon ganyan.. To think na hindi naman sya solong anak, at may kapatid syang andon din na pede naman nang umalalay since okay na si FIL. So sabi ko sa mister ko, "ikaw bahala, magulang mo yan, pero paano tayo bubuo ng pamilya kung malayo ka". Di naman den ako pwedeng umuwi don kasi andito ang trabaho ko sa Rizal. So nagulat na lang ako, after 3 days,nasa bahay na mister ko at nanindigan sya sa parents nyang may asawa na sya at kelangan ko din sya. Sobrang naappreciate ko si hubby non, to think wala pa kaming baby non. Hindi din kasi un Mama's boy. SKL. Sa case mo sis, hindi pwedeng ganyan. Lalo may anak kayo? hindi pwedeng sila ng nanay nya ang nasusunod tas ikaw ay nag titiis sa gusto lang nyang ibigay. Sila na lang ng nanay nya magsama kamo. Kung kaya mo naman na hindi umasa sa kanya, go ahead and send him back sa mother nya for good. Ipahakot mo ang gamit. You'll see, kung talagang may bayag yan at kung talagang kelangan nya kayo sa buhay nya, babalik yan sayo. Pero kung hindi ka talaga priority nyan, wag mo nang asahan na babalik yan. Pag may anak na, dapat priority mo na ung pamilya mo, so kung hindi nya kayo kayang ipriority at ipahahati nya pa kayo sa parents nya, ay, ibang usapan yan.. Ang tunay na lalaki, may sariling desisyon at paninindigan.. Yon ang deserve nyong magina..
mas madali pang tanggapin na overseas yung partner mo kesa narito nga siya d mo naman kasama at iba yung priority ng time ng niya😐. Nakakapikon minsan pero I used to it. Hinihintay ko na pag lumabas yung bata baka kung bigyan din sya ng schedule ng mama niya kung kelan lang sia dito pupunta samin. .Noong early pregnancy ko pa noon iniiwan lang ako mag isa sa apartment tas yung bahay nila sa tapat lang apartment ko. Hindi pa nga siya pinapayagan matulog sakin 🥺tas pag day off niya sa trabaho dapat 4 na hapon naka uwi na siya sa kanila dahil kung hindi magagalit mama niya sa kanya. To think na he is already 25 y/old. Kaya nag decide ako umuwi sa probinsya sa mga magulang ko para may kasama ako dahil kung nag stay ako ewan ko nalang. Muntik na akong makunan noon pero para wala silang paki sakin. Inuna ko muna c baby . sabihan mo yang asawa mo in the end of the day ikaw ma stress pati c baby apektado. Kung ayaw niyang makinig ea priority mo yung sarili mo tsaka anak mo kesa sa mama's boy. Pinabuntis ka niya tapus uwi uwi siya doon sa kanila. 🙄🙄 . Bisita pwede pero yung schedule na whole week andoon siya tas sayo ilang days lang.
Siguro po need niyo rin talaga pag-usapan since may baby na kayo. I hope you don’t mind me asking, biyuda na po ba ung mother niya? Kasi it might be the reason. Walang kasama ung mother niya and siya lang ung pwede niyang makasama. I’m not taking sides pero marami talagang need iconsider. Kasi baka ung partner mo possible na di siya nagsasabi sayo pero di pala siya comfortable mag stay sa inyo. Isipin mo rin nahihirapan siya palipat lipat, siya ung nagsasacrifice na hatiin ang oras para sa inyo at sa mom niya. At the same time, naiintindihan ko may responsibility din siya sa baby niyo. Need mo iconsider din what if magdecide kayo na dun kayo mag stay sa kanila. Definitely ikaw naman ang uuwi sa inyo. We all have our comfort zone syempre sa kinalakihan nating bahay at lugar pero need niyo po talaga pag usapan mabuti yan. Praying na sana maging maayos po kayo para rin kay baby.
Same problem pero yung partner ko naman kasi mas malapit yung work nya don sakanila although siblings nya and occasionally lang andon mama nya tuwing weekend lang sya napunta pag walang work di rin kami kasal pero ikakasal na at buntis palang ako 6mos minsan gusto ko kasama lalo na pag may gusto akong ipabili (though may cash naman ako pero ayoko lang lumabas) and kailangan ko dn sya for support ewan ko kung ano magiging set up pag kinasal at lumabas ang baby ko sana dito na sya umuwi (naghahati sila sa bills ng ate nya as in lahat kahit sya lang naman mag isa don)
Ang hirap ng ganito momsh :( yung gusto mo kasakasama para suporta manlang may mapag sabihin ng sama ng loob iba parin kasi pag personal although kasama mo naman family mo pero iba parin ang partner nananakit ndn balakang at katawan ko mabigat na dn si bebe malaki ata ako mag buntis pero sympre di ka naman makapag reklamo mag massage manlang sayo malking ginhawa hehe pero need kumayod ni lip eh mejo nakakainis lang na hindi rin nakkaipon dahil nag aabot dn sya saknila okay lang sana kung single pa sya hayy
Haaaay isa n nmang klase ng lalake na napaka irresponsible sa pamilya. Kausapin mo po, may anak na kayo, kahit ndi kayo kasal ndi un rason para ganyan routine nya. Ano un? tumatakas b siya sa responsibilidad sa bahay at sa anak niya. Kahit pa okey nman sustento niya abah kailngan nyo dn mommy ng kaagapay sa pagpapalaki ng anak ninyo. Kapag ganayn partner ko tapos kaya ko nman buhayin anak ko mag-isa, kahit ndi na siya magpakita kailanman. Dagdag stress lang.
Ayoko mang judge kasi hindi ko naman alam anong reason but siya umuuwi sa kanila kasi endi mo rin naman sinabe. Kung anong okay sa iba , posibleng di okay sa inyo. For sure, hindi okay sa yo. The best thing to do is discuss this with your partner. Bilang you are in a relationship , may say ka naman.
ako may sariling bahay asawa ko. pero andito ako nakatira sa mama ko. wala kasi akong makakasama doon sa bahay ng asawa ko kapag nasa work sya. kaya mas gusto ko dito sa bahay namin para kapag nanganak ako may kasama ako at makakatulong mag alaga sa anak ko. nagpapasalamat nalang ako kasi mabait ang asawa ko.
kausapin mo siya about jan heart to heart talk kumbaga saka be honest sa lahat ng hinaing mo sa kanya momsh. Kami po simula nabuntis ako ng partner ko dina niya ko nilubayan. Palagi ko siyang pinapauwi sa kanila Pero ayaw niya hanggang sa kinasal kami ganun pa din naman Siya.
Mag usap kayo. Magset ka mg boundary. Ikaw ang asawa. Sa tingin ko, wala lang power sa partner mo kasi nauwi pa din siya sa nanay niya. Nung nagsama kami, sinabi ko sa asawa ko na akin na siya, at hindi sa nanay niya. Sakin siya uuwi kahit anong mangyari.
bastusan naman, ako nga tinatanong ko muna lip ko noon na asawa ko na ngayon kung ok lang ba uuwi ako samen, kung sasama siya or not ganun po dapat respeto kamo lalo na dyan siya madalas umuwi hindi lang sayo pati na din sa parents mo.
Dette Quiambao