Depressed Dahil Sa Pamilya

Hi mga ma, palabas lang po ng sama ng loob. 7 months na po akong preggy, FTM, umuupa lang kami ng asawa ko ng condo sa Pasig. Recently po, nahihimatay ako at nahihirapan akong asikasuhin sarili ko dahil araw araw akong mag isa lang sa condo kaya nagdecide kami ng asawa ko na lumipat sa bahay ng mama ko sa tondo para may kasama ako hanggang manganak. Iniisip ko rin na malaki masave namin since di n kami magbabayad ng upa sa condo. Noon pa man, ako na nagbabayad ng upa sa tondo, pero mama ko nakatira at mga kapatid ko na walang work, may mga pamangkin din akong mga bata pa, bilang tulong ko na sa kanila yun. Pero pagdating po namin dito sa Tondo, kami lahat halos ang gumagastos. Rent, utility bills, pagkain (lunch at dinner) ultimo merienda at pangkape nila, mahina po ang 600 isang araw. May katulong din akong kinuha na ako nagbabayad para sana pag nanganak ako, ang katulong ang mag aasikaso sa bahay at si mama naman ang titingin sa anak ko lalo pag bumalik ako sa trabaho. Pero sumama ang loob ko ng sinabi ng mama ko, bayaran ko daw sya ng 10k sa pag alalaga sa anak ko. Pero ung mga pamangkin niang bata dito, sya din nag alaga pero di nia ginaganon mga kapatid ko na walang trabaho. Kapag tinitipid ko sila, sumasama loob niya sakin. Kesyo ako lang daw may magandang trabaho pero mga kapatid ko umaasa lang at tambay pero mas pinapanigan niya. Ang sama tlaga ng loob ko, kahit ang pag iipon ko para sa darating kong anak parang ayaw nia kesyo di ko na daw sya inaabutan simula mabuntis ako. Yung kinuha kong katulong, nag aasikaso sa mga pamangkin ko. Pero sino mag aasikaso sa anak ko? Sobrang sama ng loob ko. Parang tingin lang sakin ng nanay ko, tigabigay ng pera. Pag ako may kelangan wala sakin makatulong. Nakakadepress :(

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ako. Grabe ung stress ko mula ng kinasal hanggang nabuntis. Eldest kasi ako at nasanay na parents ko na halos lahat binibigay ko sa kanila. Muntik na ako makunan twice. Nasa abroad kasi asawa ko kaya sa parents ko muna ako nakatira. Pero ako naman lahat gumagastos. As in lahat. So ngayon sabi ni hubby ilalayo na nya ako sa pamilya ko pag balik nya. Baka daw kasi magka post partum depression ako. Mas mabuti pang bumukod kesa forever mo clang pro problemahin.

Magbasa pa
6y ago

Hindi mo need mag support sa family mo.. di ko magets mga pilipino eh. Ganyan na gajyan tatay ko.. inaantay kami grumaduate para kaki mag paaral sa mga kapatid namin. Bwiset ako. Grumaduate ka para di mag provide sa kanika kung hindi , you have to build for your future