Depressed Dahil Sa Pamilya

Hi mga ma, palabas lang po ng sama ng loob. 7 months na po akong preggy, FTM, umuupa lang kami ng asawa ko ng condo sa Pasig. Recently po, nahihimatay ako at nahihirapan akong asikasuhin sarili ko dahil araw araw akong mag isa lang sa condo kaya nagdecide kami ng asawa ko na lumipat sa bahay ng mama ko sa tondo para may kasama ako hanggang manganak. Iniisip ko rin na malaki masave namin since di n kami magbabayad ng upa sa condo. Noon pa man, ako na nagbabayad ng upa sa tondo, pero mama ko nakatira at mga kapatid ko na walang work, may mga pamangkin din akong mga bata pa, bilang tulong ko na sa kanila yun. Pero pagdating po namin dito sa Tondo, kami lahat halos ang gumagastos. Rent, utility bills, pagkain (lunch at dinner) ultimo merienda at pangkape nila, mahina po ang 600 isang araw. May katulong din akong kinuha na ako nagbabayad para sana pag nanganak ako, ang katulong ang mag aasikaso sa bahay at si mama naman ang titingin sa anak ko lalo pag bumalik ako sa trabaho. Pero sumama ang loob ko ng sinabi ng mama ko, bayaran ko daw sya ng 10k sa pag alalaga sa anak ko. Pero ung mga pamangkin niang bata dito, sya din nag alaga pero di nia ginaganon mga kapatid ko na walang trabaho. Kapag tinitipid ko sila, sumasama loob niya sakin. Kesyo ako lang daw may magandang trabaho pero mga kapatid ko umaasa lang at tambay pero mas pinapanigan niya. Ang sama tlaga ng loob ko, kahit ang pag iipon ko para sa darating kong anak parang ayaw nia kesyo di ko na daw sya inaabutan simula mabuntis ako. Yung kinuha kong katulong, nag aasikaso sa mga pamangkin ko. Pero sino mag aasikaso sa anak ko? Sobrang sama ng loob ko. Parang tingin lang sakin ng nanay ko, tigabigay ng pera. Pag ako may kelangan wala sakin makatulong. Nakakadepress :(

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tinatry ko pero marami akong natitikman na masasakit na salita. Kesyo nakakatiis daw ako, wala akong kwentang anak kapag di ako nakapagbigay. Pero simulat sapul na nagtrabaho ako, ako na naging breadwinner nila dahil iniwan na kami ng tatay ko. Nagsawa din dahil sa ginagawa nila. Ako pa kaya na anak lang at kapatid, at ngayon may sarili na din pamilya. Nakakaawa lang talaga sila, baka san sila mapadpad. Actually may binabayaran akong bahay sa Cavite na pwede ng lipatan at isasama ko pa sila. Pero sana man lang, bigyan nila ng halaga ang magiging anak ko, yun lang naman hiling ko lalo sa nanay ko. Ayoko kasi talaga iasa sa katulong ang pag aalalaga. Pero ang sagot ba naman ng nanay ko, babayaran ko syang 10k. Parang ang akala niya sakin, tumatae ako ng pera. Naawa na lang talaga ako sa kanila. Puro di nagsipagtapos, mas pinili tumambay. Samantalang ako, kahit wala ng nagbibigay sakin baon at pang tuition, pinilit kong makatapos, nagbenta ng kung ano ano. Ngayon maganda trabaho ko at sahod, pero di rin makaipon dahil sa kanila. Sinusubukan kong ilimit pero nakakarinig akong di magagandang salita, puro pangongonsensya.

Magbasa pa