Pa-rant lang ng konti... and ask at the same time.
Hi mga Ma, 4 months preggy here. Gusto ko lang mag rant, pangalawang beses na kasi nangyayari sakin, everytime na di ako pinapansin ng partner ko for i dont know reason, most of the time nanonood lang naman sya ng movie sa phone or naglalaro ng online game, nag ooverthink agad ako...iniisip ko agad, hindi na sya masaya sakin, di na nya ko mahal o iba na gusto nya. Sobrang paranoid lang. Tapos kahit matutulog na, di oa rin nya ko pinapansin lalong ang daming pumapasok sa isip ko, hanggang sa di ko namamalayan tumutulo na yung luha ko. Magkatabi lang kami sa higaan pero di nya nararamdaman na umiiyak ako (ni hindi nya ko kinakamusta). Alam kong masama para sa baby ko yung sobrang worry at sama ng loob kaya pinipigilan ko umiyak pero hindi ko makontrol e. Sobrang emotional ko ngayon (hindi naman ako ganto dati, kaya ko mag kontrol ng emosyon). Hindi ko alam kung ano gagawin ko at kung normal ba tong nararamdaman ko.. at ano kaya maaring maging epekto ng ganto sa baby ko? Thanks for sharing your thoughts mga, Ma! *hugs*