10k budget

Hello mga ka nanay. Ano po bang mga pagkain na pwedeng ihanda na 10k lang ang budget para sa 1st birthday? Sobrang nakakastress talaga yung mga kamag-anak mo na kesyo hindi daw kakasya dapat dagdagan, hindi nila naisip na sobrang hirap ng buhay ngayong pandemic. Nakakalungkot na imbes na sana sila makakaintindi ng sitwasyon gusto pa nila bonggahan, eh kami nga na mga magulang okay lang sa simpleng handaan. Okay lang naman yun diba mga ka nanay? Sobrang nakakastress sila. Feeling ko tuloy hindi ako mabuting ina kasi hindi ko mapaghanda ang anak ko ng bongga. πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi mo kailangan iplease sila mommy, anak mo yan ikaw dapat magdecide. Ok naman budget mo, pagkasyahin nalang, if may marinig ka sa kanila pasok sa isang tenga, labas sa kabila nalang.