Magkano ang ideal na budget for wedding? Hindi sobrang bongga, hindi rin sobrang tipid, yung sakto lang. :)
There are wedding packages now that range between 100-200k and hindi sya mukhang cheap ha. I just saw it on Facebook, madaming events planner ang nagooffer ng low rates for quality service na din. It's good to ask referrals from friends who have tried the services before.
Mahirap din ma-determine ang 'sakto lang.' Mas okay siguro that you set your own budget first then that's the time that you list down your number of guests, target venue, if magpapa cater or not, other suppliers, etc. From there, mas madali mo ma estimate ang total cost.
Medyo subjective yung "sakto" lang. Yung sakto sa atin may not be sakto sa paningin ng iba. If you're not picky with suppliers (like wala kang dream supplier na expensive) and have 100 guests (including you and your husband), 250-300K is okay.
Mga 200K-300K. Pero syempre eto yung mga supplier na "sakto" lang din. Kung mayroon kang mga dream supplier, this might not be enough. Yung mga sought-after photographers and videographers kasi, halos ubos na agad ang budget na ito.
Depende sa number of guests nyo. Mag wedding organizers offering packages as low as 150-200k for 80-100pax na. I just don't know the inclusions pero syempre hindi siguro sya yung bongga talaga na hinahanap ng ibang ikakasal.
Pwede na 150,000 to 200,000 :) Nandun na lahat from wedding preparations, wedding ceremony, , wedding reception and honeymoon (out of town nga lang) :) nasa sa'yo na yung kung paano mo sya i-bubudget.
Yung budget namin sa wedding namin ng hubby ko is nasa 300k tamang tama lang yan hindi bongga masyado simpleng church wedding lang and maganda naman
May mga package na 100k all in na. Kasama doon ang gown at suit, catering for 50 pax at lahat ng essentials.
Try mo mga inquire Vikings Wedding Packages sa food sobrang ok sa budget venue of wedding at receptions
Mga 200-300 thousand din sa tingin ko. Lahat ng suppliers mga mid-range, yung gown pwede from Divi.