Panubigan

Hello mga ka mommies! I'm 38 weeks and 2 days pregnant. Last check up ko po nung monday lang close cervix pero manipis nadin daw po at mababa na pwesto ni baby, kagabi po kasi may napansin ako, may lumalabas sakin na watery tapos texture nya is malapot after matuyo at clear lang color nya, ngayon naman po watery din sya di na malapot pero ang color naman is clear na may pag ka white, natatakot ako baka naglileak na panubigan ko. Pakonti konti lang naman labas nya mga sis mga 1 teaspoon lang ganyan. Ano po ba itsura ng panubigan? Sana po may makapansin. Salamat :)

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Punta kana ob mo sis.. Delikado kase pag panubigan mo na pala lumalabas sayo, ganyan sa sister ko ihi lang daw sya ng ihi sobrang dalas nung nag punta kami ob nya panubigan na pala nya at matutuyuan na sya so delikado na baby kaya na cs na sya

6y ago

Yes po. Thank u mommy. :)