Asking......

Hi mga ka mamsh ask ko lang yung anak ko ay isang babae 1 year and 5 months. Napaka sobrang likot kapag hindi nakukuha ang gusto laging umiiyak tapos may kasamang pagliyad one time nauntog na sya dahil sa hindi nya pagkuha ng gusto nya. Tapos ito lang kamakaylan napalo ko sya sa pwet d naman ganon kalakas tapos nagsuka sya ng marami ("Ganong po talaga sya kapag umiiyak ng sobra nagsusuka"). Sobrang na i stress na tlaga ako mga mamsh lalo na't kapag umiiyak sya nasisigawan ko sya at napapalo pero hindi naman malakas wala nman mga sugat at pasa tapos nagsosorry ako agad sa anak ko kapag nagagawa ko yang mga bagay na yan nalulungkot ako ng sobra mga mamsh?... - Hingi lang sana ako ng payo mga mommy kung ano ba dapat kong gawin kapag umiiyak ang anak ko tapos natotorete ako d ko makontrol na hindi sya sigawan - ?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

hi sis ganyab din ang baby ko 1 year old and mag5 months this oct 30. na pag may ayaw siya naiiyak siya at naglilyad kaya nga one time na lumiyad siya ay grabe nauntog yung ulo noya sa pader kaya talagang worry ako kaya kung ano yung gusto niya binibigay ko na lang.tas pag sobra na niyang iyak pag binibigay ko na yung gusto niya nagsstop siya bigla ng iyak.may mga times na pag umiyak siya eh parang gusto ko na siya pagalitan pero na hohold ko naman yung temper ko di ko siya napapalo instead niyayakap ko siya sis tas sinasabihan ko siya ng maayos kahit umiiyak siya ng malakas

Magbasa pa
5y ago

Yung sakin sis grabe kasi yung anak ko kung magwala kaya d ko na makontrol sarili ko naiiyak na nga lang ako sa Sobrang stress ko wala nman ako katuwang mag alaga kahit pagod na ako sa loob ng bahay kasi si mister nagtatrabho kinakaya ko yung nga lang kapag nag iinarte na sya ayan nanaman kami kagabi sbi ko anak baka naman pwedeng wag kanang iyak ng iyak bnbgay ko naman lahat gusto mo... simula nang lumaki na sya sumobra ang pagka iyakin..

VIP Member

Ikalma mo sis yung sarili mo. Una bata pa yan, hindi pa nila alam o hindi pa nila kayang kontrolin yung nararamdaman nila sa sarili nila o sa bagay bagay. Tayo na nakakaintindi at mas nakakaunawa sa kanila dapat tayo yung marunong magpasensya sa sarili. Nung bata ako lagi ako nasisigawan ng nanay ko at napapalo pa minsan at laging napapagalitan ng tita, lumaki tuloy ako na may takot sa tao, hindi masyado nakikihalubilo sa iba at malayo ang loob, isa lang toh sa halimbawa sis.

Magbasa pa
5y ago

Ganyan po talaga sis pag bata. Tantrums po tawag dun, hayaan nyo lang po muna syang umiyak pero pag grabe na dun nyo na po sya kalmahin, lambingin nyo lang po. Minsan nga po ibigay mo na ang gusto iiyak padin sila, ganyan po talaga ang mga bata. Isipin mo na lang sis, minsan lang sila magiging bata kaya pagpasensyahan na lang po natin kasi yun lang po talaga ang gusto nila ang pansinin.