eyesight

Hello mga inays! Worried lang po ako sa baby ko,he is 2 months and 11 days old pero parang hindi pa po siya nakakakita. Pag kinakausap ko po or pinapatawa siya, hindi po siya tumatawa at madalang lang tumingin sakin. And pag may ipinapakita ako sa kanya na mga objects na dark color eh indi din po nya sinusundan ng tingin. Pero pag inilalabas naman po siya ng bahay nasisilaw siya at naglilikot po mga mata nya. Is it normal po ba na on his age eh indi pa po siya nakakakita and nakikipag interact?

eyesight
64 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

try nyo po pakitaan ng objects ng black and white or red. ganyan din akala ko sa baby ko before na parang di niya ko nakikita dinala ko sa pedia, pinakitaan ng pedia objects na red. ayun sinundan ng tingin, nakahinga ako ng maluwag, mas maganda talaga momsh sa pedia tayo agad pumunta pag may worries or concerns tayo regarding kay baby. para mismong ung expert ang magsasabi sayo kung ano gagawin. cheer up po. di naman po magkakaparehas at sabay sabay ang development ng mga babies.

Magbasa pa

Mga momsh! Pasensya na po at di ko kayo mareplyan isa-isa. Sobrang thank you po sa mga comment/advices ninyo, susubukan ko po yung mga advices nyo except po sa flashlight at baka po may maging masamang epekto ss mata ni baby yun. And nkapag consult n po kami sa pedia, observe lang daw po hanggang mag 3 months old si baby.

Magbasa pa

If di po sya nasisilaw sa araw, dyan ka po mag worry mumsh. Kausapin mo po si baby everyday then mga 5inches away sa face nya. Para slowly magdevelop eyesight nya. Then colorful toys, same inches away or do an experiment hanggang anong layo kaya nyang tingnan. Everyday nyo po kausapin. Kahit diaper change :)

Magbasa pa
VIP Member

yung baby ko po nung mag 2months siya magaling na tumitig then pag may tao sa harap niya or gumagalaw or something na makulay sinusundan at tinitignan. pag kinakausap din po nagsmile din siya. ngayon pong 3months na baby ko galing na pumulong, nahagikhik ng onti lang.

Yung baby ko 1month palang kung saan saan na tumitingin lalo na kapag sobrang liwanag ng room. Mahilig na rin sya tumingin sa mga picture frame na nakasabit sa wall. Pag kinakausap, tumititig na rin. Observe mo lang si baby mo. Wag ka mag worry.

5y ago

Mommy pag kinakausap nyo si baby lumapit po kayo yong halos magkadikit na mukha nyo kasi hindi pa sila nakakakita sa malayo.

VIP Member

better po ipaconsult nyo sa optha. kasi baby ko 1month palang nakakaaninag na. by 2months nakakasunod na sa mga objects basta medyo malapit. para sure ka lang po mamshie at di nakabahan. mas ok na na sure kesa nagaalinlangan ka

Awww, ang cute naman ng baby.. masyado pa maaga, don't worry. And yes, observe mo muna.. meron talagang babies na nadedelay ang development ng eyesights po.. or baka isa sya sa mga babies na at an early age need mag eye glasses.

5y ago

Lahat nman po ng nadidinig nya hinahanap nya po. Pero may times na malikot po mata nya, especially pag nakahiga po. Pero nasisilaw naman po siya sa liwanag.

VIP Member

Mommy karaniwan 3months above nagstart maka kita mga baby..try mo po white na tela ang ipakita mo sakanya pasundan mo,.white po kasi una nila nakikita hindi dark color.. don’t worry mommy. Early pa pra mag alala ka.

Don't be worried po pag ganyan po dipa masyado nakaka aninag pero nakaka rinig napo kaya if kinakausap niyo po siya kung natawa siya nakakarinig lang po siya ng boses na hearing test naman po baby niyo no

Consult mu na po... Baby q, wla pa 1 month pero attentive na.. Now 6 weeks cya and natingin na cya smin...natawa na din pag kinakausap.. Mhilog tumingin sa mga bagay bagay and nasusundan n nya movemwnt ng kausap nya..

5y ago

Chinat ko po pedia ni baby, observed daw muna hanggang sa mag 3 months old xa.. Pero worried po kc tlga ako.