stay together or let go

mga inays, ano pipiliin niyo stay together or let go. ang sitwasyon po kasi ganito, si hubby nde nkatira dito samin, doon sya sa mama nya sa province. umuuwi lang sya dito pag nabudgetan ko ng pamasahe. dati kaming sa abroad nakatira pero dahil nagbuntis ako at tapos na kontrata nya umuwi kami sa pilipinas. nagbibigay lang sya pag meron, pag wala pasensya. pag nandito pa sya, nagagalit lang un bigla kahit walang rason tapos pagsasalitaan ako ng masakit. meron pang mga instances na tinethreat nya ako. one time napagsalitaan na nya ako na tinitiis lang daw ako at hindi naman nya ako mahal. mula nagbuntis ako hanggang ngayon na nanganak ako, ko lang nagaalaga sa baby namin, at gumagastos. pag medyo kapos ako magulang ko ang nagaabot ng tulong financial. sinabihan ko na siya ng hinanakit ko at kung anong dapat na gawin namin para sa anak namin, pero ang sagot lang sakin pagusapan natin sa susunod, isang taon na syang hindi umuuwi dito dahil hindi ko na sya pinapamasahihan. kung kayo nasa kalagayan ko would you choose to stay?

90 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ikaw din nmn po ang gumagastos sa lhat at ganun ang ugale ng hubby mo ..bkit kelangan mong mg tiis? kung mhal ka po nia ung ugale na pinapakita nia sau ndi po un pg mamahal. baka nga may iba na sya ei

single mom. yan ung ginawa ko now sa bf ko. broke up with him mag 10days na napuno n dn kse ako puro nlng sia sorry ng sorry till now well SORRY DIN AYOKO NG PALAMUNIN. may baby ako na mas need intindihin

Naku mommy my ibang pamilya yang asawa mo. Hindi sa png dodown pero mas magiging masaya at peaceful ang pag iisip mo pag tuloyan mo n xa i let go.. Why would you stay f ganyan, d nman makatulong sayo.

siguro for me , id rather let him go .. kc ikaw nlng ang pmpasan ng lhat , dba dpat pag mag asawa magkasama at magk2wang sa lhat ng bagay ? magiging mas happy kapa cguro if ever na mkipaghiwalay ka nlng ..

let go. Focus ka na lng momsh sa anak mo. Sya na lng ang gawin mong mundo mo kesa naman masayang lng ang pagmamahal mo at oras mo sa walang kwentang tao. Dagdag stress lng yan momsh! kaya mag let go ka na.

let go nalang po para sa akin . since di ka naman nya mahal at wala syang pakielam sa anak niyo isa lng tawag sknya wala syang BALLS ! Grabe naman sya kahit sa bata man lng sana ..hmf sorry sis share lng

love does matter.. pero sa ctwasyon mo nkkpagod na ata.. wag mo ipilit sa knya ung mga bgay n ndi nya tlga kyang gmpanan.. u deserve someone better.. mas lalo k lng mssktan kya time to let go..

Matagal ka ng dapat nag let go. So why kng may anak kayo? kaya mo nmng buhayin. Ikaw mismo sa sarili mo alam mo na matagal ka ng dapat nag let go sa kanya. di na uso martyr ngayon girl.

VIP Member

let go, sa kwento mo wala ka rin mapapala. oo maganda na may buong pamilya pero kung ikaw mismo maghihirap para sa buo pero hindi masayang pamilya wag nalang, baka palagi lang kayo magaway..

If ako nasa kalagayan mo sis. I'll choose to let go. ayoko kasi na makikita or makakalakihan ng anak ko yung ganyang asal ee. Ayoko na ma-instill sa isip niya na ganito ang isang pamilya.