stay together or let go

mga inays, ano pipiliin niyo stay together or let go. ang sitwasyon po kasi ganito, si hubby nde nkatira dito samin, doon sya sa mama nya sa province. umuuwi lang sya dito pag nabudgetan ko ng pamasahe. dati kaming sa abroad nakatira pero dahil nagbuntis ako at tapos na kontrata nya umuwi kami sa pilipinas. nagbibigay lang sya pag meron, pag wala pasensya. pag nandito pa sya, nagagalit lang un bigla kahit walang rason tapos pagsasalitaan ako ng masakit. meron pang mga instances na tinethreat nya ako. one time napagsalitaan na nya ako na tinitiis lang daw ako at hindi naman nya ako mahal. mula nagbuntis ako hanggang ngayon na nanganak ako, ko lang nagaalaga sa baby namin, at gumagastos. pag medyo kapos ako magulang ko ang nagaabot ng tulong financial. sinabihan ko na siya ng hinanakit ko at kung anong dapat na gawin namin para sa anak namin, pero ang sagot lang sakin pagusapan natin sa susunod, isang taon na syang hindi umuuwi dito dahil hindi ko na sya pinapamasahihan. kung kayo nasa kalagayan ko would you choose to stay?

90 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

di ko alam bakit mag mga ganyan tao na walang konsensya kahit sa anak nila. sarap mga ibitin ng patiwarik. Same situation here. buntis ako, nilayasan at iniwan ako mag-isa sa bahay. nanganak ako pero hindi nagpakita ung magaling na tatay ng anak ko. buti pa ung kapatid nagpakita sa ospital. pero ung tatay nya, ayun nasa travel bisyo niya. Yun pala ung walang kakayahan daw magsupport pero maya't maya ang gala. hindi naman kaya pagsabihan ng magulang at mas takot pa magulang nya sakanya. Kaya ayon, hinayaan ko na siya kahit binabaliktad pa ako sa mga kakilala niya na sinasabi nyang binibigay naman daw nya lahat sa anak nya kahit ni singkong duling ay wala sya naiabot sakin. Iwowomen's desk ko nalang siya para kulong nalang ang kabayaran sa mga ginawa niya samin mag-ina. ayoko na ng sustento sustento. mas ghsto ko na ng kulong.

Magbasa pa
VIP Member

sis, learn to let go. wag ka matakot mawala sya, kasi mula umpisa ng pregnancy journey mo hindi naman sya naging supportive sau. naging pabigat pa nga sya dahil para makasama nio sya, nagbibigay ka pa ng pampamasahe nia. imbes maipon mo yon napupunta pa sa pamasahe nia. tapos aawayin ka lang nia pag magkasama kau. simula pa lang kinaya mo ng mag-isa, ituluy-tuloy mo na! But, (merong but syempre) if mahal mo at alam mong mahal ka rin nia despite the situation, unawain mo. baka hindi mo lang alam may pinagdadaanan din sya diba. Know his reasons. mahirap magsisi sa huli. Goodluck sa decision mo sis! 😊

Magbasa pa

let go mo npo..mhirap man po pero kaya mo po yan..sa una lng pro makkabangon kdn po habng tumatagl. walang kwenta ang gnyng asawa. mas mhihirpn kpo kpg ngtiis k now. kung mhl k nya sya mismo po ang ggwa way para ksma kau. magsikap kpo pra s baby mo kaya mo po yan. anjan nmn po magilang mo may nag aalalay sau. pwd mo cla lapitan pra makatulong s pag alaga ng baby mo at mkkpg work k ng d ask ng suporta s wlang kwenta mong partner. gawin mo insperation ang ank mo. lag mo lang isaisip n lht ng ggwin mo pra sa anak mo at syempre sa magulang mo dhl cla katuwang mo pag papalaki ng ank mo. kaya mo po yan.

Magbasa pa

sis lam mo sa pagkakakwento mo parang my possibility n my pamilya n xa sa probinsya d lang nya pinapaalam. kng tutuusin nun nakapunta n xa jan sayo dpat d k n nya iniwan para bumalik p ng probinsya bilang buntis ka nuon at dpat itinuloy nlang nya ang samahan ka at ngwork nlang sna xa jan malapit sayo. obyus n wala xa gnagawang effort para sa inyong dalawa.. let go mo na xa and wag mo na xa asahan. feeling ko alam mo naman n ang gagawin nid mo lang ng my mgsusupport sa desisyon mo kaya sis go lang push mo lang yan ! u are stronger dan u think u are. God bless .

Magbasa pa

obviously mommy, sa story mo, ikaw nalang lumalaban para sa family nyo/relationship nyong dalawa. Eto yung urgent na bagay na dapat pinag uusapan para maayos pero it seems hindi sya interesado kaya don't stress yourself sa kanya. Kung nakaya mo alagaan si baby mag isa, makakaya mo parin moving forward, minus yung tao na nagpapastress sayo. Umiwas tayo sa mga toxic na tao, focus on your lo instead. Pahalagahan and alagaan mo sarili mo kasi you're a SUPER MOM. Di ka papabayaan ng Diyos, just be STRONGER for yourself and your baby. God bless mommy ❤

Magbasa pa

My reaction is OMG.. I dont see love here. I mean, from your husband's side. Kasi if you love a person, gagawa ka ng paraan para sa ikabubuti ng taong mahal mo or maybe your husband is just too immature (sorry for the term). I dont suggest n maghiwalay na kayo, pero hayaan mo na lang sya kung kaya mo naman buhayin yung anak nio ng mag isa. Wag ka na mag expect. Strong, independent women can live w/o a man. I believe he'll learn his lessons later on. Unless my iba ng laman ang puso mo at ganon din xa, ibang usapan n siguro yun, let go.

Magbasa pa

let go na mumsh! base on your story parang wala na yung love kasi sakanya na mismo nanggaling na “tinitiis ka na lang nya at hindi ka na nya mahal” kasi kung talagang mahal ka nyan kahit anong problema or situation nyo kung talagang mahal ka nyan di yan mag bibitaw ng masasakit na salita! Ako nga ni let go ko na din yung tatay ng baby ko kahit na lahat ng needs ko nabibigay nya! wala eh sobra na punong puno na ko sa kasinungalingan nya at pang babalewala nya! kay imbes na ma stress ako sakanya pinabayaan ko na lang!

Magbasa pa

Are you domestic partners? Or married? Parang hndi kasi tama ung setup. Given the fct na sya ung lalaki, you gave birth. Dapat man lang may pakinabng sya sa ibang bagay. my advise, ask urself mommy if better to be with him, if anong future nakikita mo if you dcide to stay with him. then try to thnk dn ung fture na wala sya. whch is btter. it's still you pdn kasi, people's advice is para to help you lang dcide even more. pero sa totoong step, its you and you alone. Wsh na you can think and mkpgdcide ng maayos. *virtual hug*

Magbasa pa

Let go na ate, kung mahal nya anak mo or sayo kahit onti mag effort yun, pati ba naman pamasahe nya ikaw pa din ang sumasagot hayaan mo cya hindi mo kawalan yun. Ikaw na din naman ang gumagastos sa anak mo pati family mo. Mag let go ka na at mag move on. Hayaan mo cya, hindi ikaw ang nagkamali at may kasalanan. And sinabi na din nya sayo na hindi ka na nya mahal atvpinagtitiisan ka na lang. Wala kang oagkakapitan sa mga sinabi nya, move on. Ipagpray mo na lang cya. God bless!

Magbasa pa

just let go po...for your peace of mind and for the sake of your child. Having a complete family is everyone's dream but sadly, not everyone may have it..okay lang po ipaglaban kung meron dpat ipaglaban, pero kung gnyan na po treatment, maliwanag pa sa sikat ng araw...wala. Kahit sana para sa bata lang mgCare sya, pero mukha wala din..so just call it quits, makakahinga ka maluwang at wala na aasahan pa

Magbasa pa