stay together or let go

mga inays, ano pipiliin niyo stay together or let go. ang sitwasyon po kasi ganito, si hubby nde nkatira dito samin, doon sya sa mama nya sa province. umuuwi lang sya dito pag nabudgetan ko ng pamasahe. dati kaming sa abroad nakatira pero dahil nagbuntis ako at tapos na kontrata nya umuwi kami sa pilipinas. nagbibigay lang sya pag meron, pag wala pasensya. pag nandito pa sya, nagagalit lang un bigla kahit walang rason tapos pagsasalitaan ako ng masakit. meron pang mga instances na tinethreat nya ako. one time napagsalitaan na nya ako na tinitiis lang daw ako at hindi naman nya ako mahal. mula nagbuntis ako hanggang ngayon na nanganak ako, ko lang nagaalaga sa baby namin, at gumagastos. pag medyo kapos ako magulang ko ang nagaabot ng tulong financial. sinabihan ko na siya ng hinanakit ko at kung anong dapat na gawin namin para sa anak namin, pero ang sagot lang sakin pagusapan natin sa susunod, isang taon na syang hindi umuuwi dito dahil hindi ko na sya pinapamasahihan. kung kayo nasa kalagayan ko would you choose to stay?

90 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Let go sis. Hanggat maaga save mo sarili mo at ang anak mo. Baka pagnagsama pa kayo, ano pa magawa niyan sainyo. Supportahan nalang niya yung anak niya. Ayun nalang pagkasunduan niyo.

asawa mo na b talaga siya o lip plang? kauspin mo xa ng maayos may malaking problma yan sis, bkit hndi manlang b nya mamis ung anak niya? hndi namn kaya may nabuntis xa duon sknila?

for me ndi na .. sustento nlng sa anak and jan plng wala na cxng kewnta mommy ehh pinapabayaan kna at nakatiis cxng 1yr na d umuwi try mo pumunta sknla bka may matuklasan kapa.

VIP Member

let go! hindi siya interesado sa pamilya na merun siya sana kasama kayo ni baby. haays anyways, be happy with baby! you can do it! go go go! you deserve to be happy πŸ˜πŸ˜‰

nope, ngayon palang ganyan na sya pano kapag nag sama pa kayo, wag mo bigyan yung sarili mo ng pang habang buhay na hinanakit, i let go mo sya kung ayaw nya.

Let go na po momsh. ako nga po solo teen parent pero kinaya ko naman po buhayin at palakihin ang anak ko. 3 months palang siya sa tummy ko naghiwalay na kami ng father niya.

7y ago

pinalaki din po ako mag-isa ng mama ko. single parent po siya since pregnant siya sakin pero kinaya niya naman po na palakihin at buhayin ako ng mag-isa. walang imposible kung anak mo ang gawin mong sandigan sa lahat ng bagay. yung akala mong imposible magiging posible.

let it go po. kasi parang wala naman syang paki. kasi kung meron mn maghahanap sya ng way na makapunta sa inyo or magchoose tonm stay with you and your child

better to let go na po. una palang kung gusto ka nya talaga at ang anak nyo ggawa sya ng paraan para magkasama kayo. let go mo na habang Kaya mo pa.

let go na. and move on. tanggalin mo sis ang mga negative vibes sa buhay mo. pero wag mo ipagkait sa bata ang makilala ang daddy nya.

VIP Member

nako sis,sa kalagayan mo pra ka nading walang asawa kaya i let go mo na ng tuluyan, masstress ka lang, alagaan mo nalang si baby