Seeking advice..

Mga inay, kakapanganak ko lang po last Feb via CS. Dito kami ngayon nakikitira sa parents ng hubby ko, kaya medyo hindi ako komportable, si hubby naman pang gabi ang pasok kaya mag isa lang ako nag aalaga kay baby magdamag. hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko, kapag umaga naman okay na okay ako. Pero pag-malapit na mag- gabi para kong nilalamon ng kalungkutan, para kong nawawalan ng pag asa, gusto kong umalis, iwan lahat ng responsibilidad. Pakiramdam ko pati kaluluwa ko pagod. Pag nag sha shower ako parang ayoko na lumabas. Gusto ko nalang magdamag maligo. Minsan gusto ko na lang bumalik agad sa work pero pag naiisip ko na ipaalaga si baby sa iba parang di ko kaya. Pag sinasabi ko sa asawa ko yung nararamdaman ko parang wala lang sa kanya. Hindi nila maintindihan. Npapagod na ko. Feeling ko mababaliw ako.. Normal pa ba to, ako lang ba nakakaramdam nito?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I think you are experiencing post partum depression mamsh. Kung hindi nakikinig si hubby mo sa mga hinaing mo itry mo sa parents mo or sa friends mo. Minsan nakakagaan ng loob un kapag nailalabas natin ung mga nararamdaman natin at kapag alam natin na may nakikinig. Kung makakabuti din para maging komportable ka itry mo magstay na lang sa parents mo. Praying for you mamsh.

Magbasa pa