labada
mga ilang months na po kayo sa pgbubuntis nung magstop kyo maglaba??

Mag-6 months na po tiyan ko pero sige pa rin ako sa paglalaba kahit naiipit ang tiyan ko at uncomfy sa feeling. Tulong ko lang sa partner ko kasi he works 2 jobs saka panggabi siya kaya hinahayaan ko siyang makatulog ng maayos. Pero madalas kasi nagigising rin siya at todo saway naman siya sa akin, ako lang talaga itong matigas ang ulo! Exercise ko na rin siya momsh pero most importantly, contribution ko lang din sa gawaing bahay namin.
Magbasa paako kasi sis kahit kabuwanan ko na naglalaba pa rin ako kaso nakatayo nga lang ako ang hirap kasi pag nakaupo talaga at ang nilalabhan ko mga underwear na lang kasi ayaw ko siya iwashing kasi masisira. pero kung hirap ka maglaba sis wag na lang muna.
Ako since nalaman kong buntis ako. Asawa ko na naglalaba. Hehehe. Maselan kasi akong mag buntis and nakunan na din ako before. So ingat talaga. Mapalad ako sa asawa ko at buhay-prinsesa ako when it comes sa gawaing bahay 🥰
27 weeks naglalaba pa din po ako . Yun nga lang ang hirap kase bawal ka bumukaka kaya nakatagilid ako magbanlaw . qnsakit sa balakang pagkatayo sobra . Parang nag aaway yung mga laman at buto buto ko . Pero kelangan maglaba
Underwear ko nlng nilalabahan ko pagkatapos ligo kasi simula nung nabuntis ako ung Monther-in-law ko na or yung asawa ko ung naglalaba.. takot kasi sila madulas ako sa CR at ang selan ko mag buntis #7monthspreggy
2 months po, after po nmin malaman na preggy ako hnd na ako pnalaba ni hubby .pati gawaing bahay limit din khit hnd ako Masilan hehe .galit pa c hubby kpg ittry ko mag laba. 2nd baby na nmin to 💜😇
Since mapreggy ako nde natigil sa paglalaba kc wala din naman ibang gagawa kc kame lang ni mister sa bahay, kawawa naman kung sa kanya ko pa ipapagawa kc 12hrs. na nga ung duty nia sa work..
Going 39weeks nako :D laba parin ako nilabhan ko nga stuff toy kong hello kitty na sobrang laki at bgat hahaha.. Mas gusto ko kc gumalaw galaw kc namamanhid ung paa pag higa lang lagi..
Hindi na ako pinaglaba ng husband ko since nalaman namin na buntis ako. Kahit nag iinsist ako na ako maglaba ayaw pumayag kahit tutulong sa pag sasampay papagalitan pa ako.😂
simula nung nlaman kong preggy ako 9 weeks ako nu n ngstop n ako maglaba. kase 7 years waiting tong baby nmn firat timemom. kaya gsto ko ingatan tlg. si hubby na gmgwa lahat