44 Replies

Sa dalawang pagbubuntis ko po meron. Pero sa pangatlong pagbubuntis ko ngayon, mukha nmang wala 🙂. Kainin ko lang gusto ko pero wala in particular ung talagang gustung gusto ko. I am only experiencing nausea, dizziness, headache, heartburn, pain sa balakang.

ako hindi naglihi. nung first tri ko wala akong gustong kainin. wala akong gana lagi. nung nag2nd tri, dun palang bumabalik yung gana ko. kahit anong available kinakain ko

kain ka sis pakonti konti lang. magkalaman lang tyan, wag mo pipilitin kasi baka masuka ka.

Ako wala. Kahit morning sickness or anything wala. Hindi din ako nahirapan maglakad or umakyat ng hagdan. Nakapanganak na po ako na hindi pinahirapan habang buntis

same here,nkaapat nlng,pero wala ako naalalang pinag lilihian,kht sa pgkain ng mangga,sa panganay at ito png apat ko lng nkaranas ako ng pgsusuka at hilo,

meron po. ganun po ako nun. wala akong cravings, hindi maselan ang pang amoy. antukin lang pero maski nung di pa ako buntis antukin na talaga ako

Ako wala. Tas di pa agad lumabas yung bump, siguro mga 6th month na ata. Kaya akala nung mga workmate joke lang yung pt. Hahaha

me po.,.never din ngsuka or nahilo kunting headache Lang pero tolerable din🤗Sana hangang paglabas niya smooth lang🙏

ako po, wala ako alam na pinaglihian. nawalan ako ng gana sa mga pagkain kahit mga gusto kong pagkain. #babyboy

pero nung 4mos. na ko unti-unti ng bumabalik yung gana ko sa pagkain. tiis-tiis lang sis😊

ako po. lahat kinakain ko. pero nakakaramdam na ng pagduduwal sa umaga. laging inaantok. ☺️

Ako walang pinaglihiang pagkain pero more suka more fun gang ipapasok na lang ako sa OR 😂

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles