Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom to Elio and Sian
Body aches 3mos postpartum
Normal pa bang masakit ang mga joints lalo na ang kamay at tuhod kahit 3mos ng postpartum? Nagtetake pa rin ako ng calcium. Nageexercise na ba kayo sa ganitong time mga mommy?
Breastfeeding-1 boobie leaking non-stop
4.14.21 Hi mommies, marami po akong nababasa na normal lang magleak ang boobs pag nakalatch si LO sa kabilang side. Pero sakin po kasi kahit di sya nakalatch sobrang lakas ng tulo. Pag ipapalatch ko na sya, nababasa na face ni baby tapos saglit lang na pagsuck nya, tatanggalin na nya tsaka iiyak. Pag nilipat ko sa kabila, ok na sya. Nalulunod kaya sya sa boob na yun? Kusa bang aayos yun or meron akong pwedeng gawin? 1 month palang po si LO. Thank you moms!
Emotional dahil macCS
"Take your time to grieve on the dream you lost and then create another one that is centered on you and your baby." Yan ang sabi ng Doula ko nung sinabi kong macCS na daw ako per my OB. Kasi breech pa rin si baby, di na sya umikot, at 39 weeks na ko. Kahit umikot pa daw sya, hindi na magkakasya yung head nya dahil beyond the limit na. It's crushing, disheartening. Dahil sa emotions ko at hindi ko matanggap, andami kong tanong sa OB ko until napuno na sya at sinabihan akong makulit at napapagod na din daw sya. 💔 napahiya ako at ngayon, hindi na ko komportable na sya magpaanak sakin. Kaya lang too late na. Wala na kong choice. Walang oras na di ako umiiyak kasi parang para sa ibang tao, nagiging unreasonable ako. Hindi ko na rin alam gagawin ko. Gusto ko lang naman magkaroon ng memorable at hindi traumatic na birth para sa baby ko 😥
Suhi/breech namamana??
May mga suhi ba sa inyo mommies? Suhi din ba si baby nyo nung pinanganak nyo? Suhi kasi ako at pinanganak ng mommy ko via CS. Si baby ko now ayaw pa umikot, 38 weeks na kami 😣 ayoko maCS talaga Lord 😭
Moxibustion: 37 weeks and still breech
2.27.21 Hello mommies, may nakapagtry na ba ng moxibustion sa inyo to flip a breech baby? Parang last resort na namin to. Hope it works 🙏 hindi na rin alam ni doc bakit ayaw nya umikot. Bakit nga ba?? 😔 ECV lang ang hindi namin natry kasi ayaw irisk ng OB ko. Ayoko din naman since di nya pa yun nagawa before. Please help us pray na sana umikot na si baby ng kusa this week. 🙏🙏🙏 Tatanggalin na yung cerclage ko sa Saturday so 2-3 days nalang bibilangin after that manganganak na ko.
Almost 36 weeks and still breech
02.16.21 Nagwoworry na ko kasi feeling ko nahihirapan na umikot si baby. Lagi naman sya malikot and parang tinatry nya talaga na umayos ng position pero parang nagsstruggle sya. Yung head nya nasa upper left tummy ko pa rin. Magmomove lang ng konti pababa at pataas pero nasa same quadrant. Tuloy-tuloy naman exercise ko. Forward Leaning Inversion for 2mins multiple times a day. Nagfflashlight and music technique din ako and nagrereact naman sya. Yun lang, di sya umiikot talaga, kicks lang. Ano kayang reason mommies bakit di sya makaikot? Ano pa kaya pwede kong gawin? Ayoko maCS 🥺🙏
SSS Online Marital Status Change 2021
Yes, pwede na po magchange ng status online. (Please refer to the photo) Login lang sa sss.gov.ph and under "E-services", select "Request for Member Data Change (Simple Correction)". I-input lang po ang new middle and last name at upload ang PSA or LCR copy ng Marriage Certificate. Then for approval na. May marereceive din po kayong email confirmation ng request para sa transaction number.
30 weeks Breech
Nung 28th week ni baby nagpaCAS kami and 4D sana kaya lang di pa daw maganda i4D yun sabi ni doc kasi bony pa sya. Cephalic na sya that time. Tapos bumalik kami kanina, 30th week na, for 4D tapos breech sya. Sobrang likot kasi ni baby kaya nafefeel ko talaga nakakailang ikot sya. May right sitting or lying position ba mommies para magstay lang si baby na cephalic?
With cerclage but normal delivery at a lying-in
May mga cerclage mommies po ba dito na nakapanganak pa rin sa lying-in? I'm dreaming to have a gentle birth but I haven't discussed it with my OB since our current focus is viability ni baby. Possible pa po kaya? Thank you moms 💙 #FTM #rainbowbaby
Dexamethasone at 27 weeks
Wala naman akong contractions or bleeding pero nacerclage kasi ako at 14 weeks. Sabi ni doc preemptive measure lang yung dexa para in case lumabas si baby, magsusurvive na sya kasi kaya na ng lungs nya. Cerclage daw kasi only extends yung supposed delivery ng incomp cervix by 1 month. Pero syempre, we're still praying na magfull term kami 🙏😊