Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
a mom of handsome baby
CS or Normal
Mga momsh patulong naman kagabi pa kasi humihilab tiyan ko. Yung sakit niya parang menstrual cramps tapos may konti konting dugo na lumalabas. Due date ko sana ngayon dito sa first baby ko pero kaninang pumunta ako sa hospital pinauwi ako dahil sarado pa daw cervix ko pero masakit talaga. Sabi po ng mister ko ipa cs na daw namin pero ayoko naman dahil gusto kong inormal dahil first baby ko nga to at iniisip ko yung gasto. SA MGA NA CS PO SA PUBLIC HOSPITAL NASA MAGKANO PO NAGASTO NIYO?
PHILHEALTH
Sa mga tulad ko pong employed na di na nakapagwork dahil sa Pandemic ano po ginawa niyo sa Philhealth niyo? August po ako manganganak at ang last payment ko sa Philhealth ko is March, nung pinapunta ko partner ko para mag inquire kung ano dapat gawin sabi nila bayaran ko daw hanggang December. Ganun po ba talaga yun? Salamat sa sasagot
Philhealth
Mga momsh tanong ko lang kung pwede ko gamitin philhealth ko kahit di na nahuhulugan ng employer ko due to lockdown 7 months pa lang po nahulugan ng employer ko ngayon kasi nagpalit po ako ng work. Di po nahulugan ang may to july 2019 ko pero nov 2017 pa po ako nagstart sa philhealth ko. Magagamit ko po kaya sa august? August po kasi EDD ko. Thank you sa sasagot
Movement
Normal lang po ba sa 31 weeks na parang di tumitigil gumalaw si baby?
GENDER
25 weeks na po akong buntis kita na po kaya gender niya pag nagpaultrasound ako ngayon? Maglalakad na rin kasi sana ako ng mat1 ko kaya ako magpapaultrasound. Thank you sa sasagot.
FACT OR BLUFF
Ang buntis na mahilig uminom ng malamig na tubig ay mahihirapang manganak. Tama po ba o mali. Kasi may nakapagsabi sakin na hindi daw maganda eh sobrang init naman po ng panahon.
LIGO
Mga momsh okay lang po ba na 3pm naliligo ang buntis?
21 weeks pregnant
Normal lang po ba na medyo mababa ang galaw ni baby? Nararamdaman ko po kasi siya tapat ng zipper ng pants kapag yung galaw niya. And pwede po ba akong magpahid ng efficascent sa balakang? Sobrang sakit po kasi.
CONSTIPATION
SANA MAY SUMAGOT. 20 weeks pregnant po ako and grabe yung constipation ko. Nung first trimester tatlong beses ako nagbabawas sa isang araw pero ngayon once na lang hirap pa. Ano pong pwedeng gawin? Umiinom naman po ako ng maraming tubig.
PANANAKIT NG HIPS
Normal lang po ba sa buntis yung masakit ang bewang? Yung sakit niya is parang nadulas tapos napaupo ganun lalo na pag nakahiga ako sa likod ko.