BPS 6/8 BPS 6/8 BPS 6/8 BIOPHYSICAL PROFILE SCORE 6/8

Meron po bang ganyan din ang score sa bps? nasa borderline low po kasi yung amniotic fluid ko. 😔🥺 Nung August 16 ko po nakuha yung result and then may check up po sana ako sa August 17 sa hospital kung san ko po gustong manganak. Ang kaso po that time wala raw pong available na OB. Need po kasing magpaschedule via call para magpacheck up. That time po waiting po ako sa announcement nila kung kailan ulit ang balik ng mga naka sched ng August 17, August 18 naman po pumunta ako ng center para po sana magparead ng laboratory ko sa doctor na naka assign sa center. Need po kasing may check up sa center kung gusto ko pong manganak sa Public Hospital na gusto ko. Ang problem naman po walang doctor. Next check up po ng buntis Monday. Ganun din po walang available na doctor, tumawag na ako sa Hospital para magtanong at magpasched kasi wala talagang tumawag/announcement sa page nila. Nabigyan naman ako ng sched SEPT 1 pa. Due date ko SEPT 10. Nagtry ulit akong makausap yung doctor sa center ang kaso wala parin hindi sya available. Nagpachat na ako sa mama ko, together with picture ng result ng laboratory ko, then nagresponse yung doctor na nakausap nya, need ko raw pumunta sa OB kasi need kong maresetahan ng gamot para sa amniotic fluid ko. Naghanap ako ng OB samin na tatanggap at magbabasa ng laboratory result, nagtyaga ako kahit inabot na kami ng gabi sa pila basta mapanatag lang ang loob ko sa result. Ang kaso, sabi ng doctor need kong mag pa BPS ulit para malaman kung nadagdagan yung tubig or mas lalong nabawasan. Na IE nya rin ako at 1cm na ako. Sabi nya need ko raw maadmit na. Lalo tuloy hindi napanatag ang loob ko. Feeling ko kulang yung effort ko sa mga ginawa ko nung nakaraang linggo para malaman lang yung result ng BPS ko. 😔 sinisisi ko ang sarili ko kung anong mangyayaring masama sa baby ko. Bukas magpapa BPS ulit ako at waiting kung maadmit na talaga ako. 😢 pero sana okay ang baby ko. Malikot naman sya ee active baby boy po sya. Palagi ko syang kinakausap na good boy lang dapat sya. At tyaka umiinom ako ng maraming tubig kada araw para lang madagdagan yung fluid ko. Sana may magandang result bukas. 😢😔 Currently 37 weeks and 6 days

BPS 6/8
BPS 6/8
BPS 6/8
BIOPHYSICAL PROFILE SCORE 6/8
5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi pa-admit ka na, ganyan din nangyari sa akin sa first baby ko. Naubusan ako ng panubigan kasi konti nalang pala siya. Iyong akala ko na wiwi sa panty ko, iyon na pala yun. Nagleak na pala siya. Tapos kaya pala malikot si baby kasi nahihirapan na din. Sadly, hindi nakasurvive si baby tapos cord coil pa. So pls, punta na po kayo sa ospital.

Magbasa pa
2y ago

ganito din yung naramdaman ko dati akala ko wiwi lang, yun pala 3 days ng butas ang panubigan ko kaya nag leleak na, buti nalang kabuwanan ko na din kaya safe naman si baby, God Bless you Mommy ❤️

Kung nasa 37weeks ka na pwede mo na siya ianak kasi fullterm na yan e.. Tama yung sabi ng OB paadmit ka na. Sana may request ka na for admission sa hospital of choice mo.. Habang ok si baby mommy agapan mo. At wag mo na tingnan kung madadagdagan pa panubigan mo. Mas ok na ianak mo na siya para maligtas mo siya mommy.

Magbasa pa

mi chillax lang.wag ka ma pressure sobra.inhale exhale po. ang pag aalala ay d makkatulong sa.inyo n baby.pag relax ka at chill makakapag isip ka ng maayos.ok naman pala c bb sa tummy mo eh mahalaga lagi cya active.maaayos mo rin na dka nag aalala ng sobra. good luck po s panganganak.😘🙂

kya ako mamsh sa lying in nlng ako kc mas maasikaso sila e if ever man n maemergency my mga kapartner din nmn sila na ob tlaga n pede pagdalhan. gnyn sa public hospital hanapan ng doctor kya lumipat nko at nkita ko nmn n alaga talga nila psynte nila

prayers momsh!

Related Articles