Working Mom

Hello, meron po ba ditong working moms na kagaya ko? Sorry, gusto ko lang rin kag rant. Naiistress din ba kau at napapagod. Naiiyak kasi ako. Nagwowork ako full time, wfh, minsan nag oovertime pag maraming work. Pero ako rin sa gawaing bahay at ito, 8 mos pa akong buntis. Iniisip ko panu nalang kapag lumabas na si baby. Di ko alam panu hahatiin oras ko. Kapag busy ako sa work, di ako makapag luto. Minsan nalilipasan na ako ng gutom. Kapag weekend, halos wala rin akong pahinga kasi maglalaba, maglilinis ng bahay. Si mister, wfh rin, pero mas tanghali pasok nia. Di ko siya maasahan sa mga gawaing bahay kundi sa paghuhugas lang ng pinggan. Madalas hindi pa niya nagagawa. Kaya ako nanaman. Nagusap na kami about dito, wag raw kami muna kumuha ng katulong. Kasi maliit lang naman daw bahay namin. Paghatian nalang daw namin mga gagawin, kaso wala naman. Kapag maglalaba siya, damit lang nia lalabhan nia. Ayaw rin nia ako pahawakin ng pera, para may mabili naman ako sa sarili ko. Pang motivate ba. Take note, mas malaki sweldo ko sa kanya. Pero di ako makabili ng gusto ko hanggat di namin pinag aawayan. Naiiyak ako kasi naaawa ako sa sarili ko. Kapag iniisip ko itong sitwasyon ko, nanghihina ako. Ano po dapat kong gawin. Salamat sa magbabasa ng buo at sa magaadvice. #advicepls #1stimemom #pleasehelp

37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi moms, 2 things lng need mo Gawin sa hubby mo I hope makatulong Yung sasabihin ko. 1st PRAY 2nd ACTION or kausapin mo sya by heart. sa ACTION kailangan mo Muna acknowledge lahat Ng mga ginawa nyang maganda then mag thank you ka (ito Yung reverse psychology) para maging mahinahon sya at Hindi kayo magkasamaan Ng loob.then pangunahan mo sya na Hubby usap tyo hwag ka magalit ha.then sabihin mo s kanya lahat na need mo nag makakasama or makatulong Lalo na pag nanganak ka na. then suggestions ko mag pa laundry n lng kayo Full service Kasama na tupi. at sa saving mo na man need mo may ibang account na Ikaw lng nakakaalam mag transfer online ka dun then pag may increase s sahod hwag mo paalam s Mister mo transfer mo lahat s savings mo. but Ang mahala s lahat ay PRAYERS wlang ibang mabisang paraan at solution sa lahat Ng Bagay kundi dasal Hindi man agad agad naunawaan Ng Hubby mo but darating time na magbabago Yan. Lakasan mo Sarili mo moms hwag ka panghinaan Ng loob kz makakasama Yan sa baby mo.hwag na hwag mo kaawaan Sarili mo kz ramdam din Yan ni baby. Magpalakas k kaya mo Yan. I'm so blessed na Ang hubby ko ay sobrang supportive same kami WFH at same din na 2 Ang works Namin. Ako Ang gumagawa s lahat sa Ng gawain Bahay ,kz iba schedule namn sa work ako pang Umaga sya pang Gabi,Sya lahat nagastos at Ng budget Ng lahat lahat tanging binibili ko lng ay Bigas then Yung mga needs ko.minsan sya pa din pag nag grocery ako sya lahat nagbayad so lahat ng sahod ko sa akin lng may 4kids kmi and pang 5 itong nasa tiyan ko I'm 31wks na Hindi pa din nagbabago Ang sweet nya s akin. kung may problem kmi pinag uusapan nmin agad at Lagi araw araw din kmi nag usap sa lahat Ng nangyari. Thanks God 🙏 talaga. Don't worry moms sasama ko kayo sa prayers ko.be Happy para Masaya din si Baby.

Magbasa pa
VIP Member

Grabe. Ang selfish naman ng asawa mo. Sorry pero para syang nakakuha ng instant sugar mommy at kasambahay. Uminit ulo kooooo😩 You don’t deserve this mommy! Ngayon pa lang na buntis ka e wala na syang maitulong na kahit ano,pano pa pag dating ng baby..? Buntis din ako and may toddler,wala kaming yaya or kasambahay. Plain housewife at WFH din asawa ko,mula nag buntis ako,halos ayaw na kong pagalawin sa bahay pati sa pag aalaga ng anak namin,kahit pagod yan,makikipag laro pa sya after work para may bonding daw sila ng anak namin. Namamassage pa nyan ulo at shoulders ko kapag nagreklamo ako. Walang reklamo kahit di ko sya mapag luto,kadalasan magtatanong lang kung anong gusto ko para makapag order kami ng food. Hay naku mommy,ako nasstress para sayo. Kausapin mo yang asawa mo. Ipaintindi mo na kung di ka nya tutulungan lalo na pag lumabas anak nyo,magreresign ka kamo. Pag nagresign ka,tapos maliligayang araw nya dahil kekelanganin nyang mag doble kayod. Kung di nya kayang iprovide lahat ng needs nyo ng sya lang,umuwi na lang kamo sya sa mga magulang nya.

Magbasa pa
3y ago

love it. nastress din ako sa asawa nya. hayst!

Mommy, ang husband kasi support talaga sa lahat ng bagay lalo na pag buntis ka kasi parang gagawin ka nilang princess dahil ikaw nagdadala sa magiging anak ninyo, sa experience ko po never niya po ako pinatrabaho sa bahay kahit paglalaba minsan ako na nag iinsist kasi need ko din magexercise, gusto lang niya humiga ako at kumain. Yes both po kami nagwowork and nurse siya ako medtech kaya risky talaga work namin expose kami sa mga sakit but nagsuggest siya na siya na bahala sa lahat kaya pinaparesign niya ako. Kaya ako as first time mom ayaw ko rin itake risj ang akin baby over work kaya ako sobrang ingat. Kaya as of now nandito lang ako bahay and nagpapahinga at nagpapalakas ng katawan. Im praying and hoping safe kayo ng baby nyo mommy. Sana ang husband nyo din maging supportive sa pagbubuntis lalo na emotionally physically exhausting ang pregnancy. Always remember mommy na, make take rest ka for the sake of yourself and your baby. Love lots.

Magbasa pa

Mi may mga lalaki talaga na di maaasahan sa gawaing bahay pero dapat kahit ngayon lang na buntis ka, tumulong sya. Yung sinabi mo na kapag maglalaba sya, damit lang nya ang nilalabhan nya, ano sya, nasa boarding house? dagdag stress lang kapag ganyan. yung hubby ko, pareho kaming nagwowork kasi kaya ko pa naman pero inaalagaan naman ako. di ko din sya maaasahan full time sa gawaing bahay pero tumutulong naman sya sakin lalo na sa paglalaba. at yung sweldo namin, ako lahat ang humahawak kasi ako ang nagbabudget. binibigyan ko lang sya ng allowance nya. pag may gusto kaming bilhin, pinag uusapan namin at never namin pinagtalunan. kung hindi kaya ng budget, next time na lang bibilhin. dapat maging supportive ang nga hubby kasi di biro ang pinagdadaanan natin. wag kang magpaka stress mommy, kung di mo na kaya, wag kang magtiis, umuwi ka muna sa inyo. at dapat wag mong sarilinan, mag usap kayo. Have a healthy and safe journey mommy.

Magbasa pa

bat ganun mi ? ikaw nag gagastos sa loob ng bahay and all tapos yung kanya pang savings diba mi dapat yung sahod mo pang savings tapos yung kanya pang bahay expenses ? mas okay kasi na kung sayo yung savings kasi mas malaki para if ever kinulang sahod niya ikaw nalang mag dagdag like dapat 50/50 nalang sana kayo ? tapos if pagka panganak mo sainyo kana muna syempre 2 lang kayo mas okay na may mas nakatatanda na mag bantay sayo lalo't mahirap kumilos nun may maternity leave ka 3months if ever sino gagastos nun kasi parang ayaw niya ipagalaw yung sahod niya, tip lang sis if ever man gumawa ka pa isa mong acc na private kahit mag hulog ka ng maliliit na halaga doon para incase na may kailanganin ka din (binigay lang din na tip ng mother ko) and pag usapan niyo sana yung set up kasi mahirap yung ikaw lang nagastos sa expenses jusko mahal pa naman ng bills gold

Magbasa pa

Working din po ako and preggy, but before pa po ako mapregnant pinagusapan na namin ng husband ko kung papano set up namin pag nabuntis ako kasi gusto niya mag stop ako mag work pero ako gusto ko pa din. Pero pinagbigyan niya gumawa lang kami ng mga dapat at hindi dapat gawin. Siguro po usap lang po talaga yan. Sabihin mo po sa kanya na hindi po healthy na ikaw sa lahat ng gawain bahay and about po sa work mo, ako din po before mapregnant sobra din ako mag o.t sa work. Hindi pa ako wfh, bumabyahe pa ako. Madami utos boss ko but nung napregnant po ako, ako na din po kusa na nagparamdam sa kanya na mas priority ko yung pregnancy ko kaysa work ko. Wag po sana tayo kainin ng trabaho natin dahil mas mahalaga pa din yung dinadala natin. Learn to listen to your body, if di na kaya then magpahinga po.

Magbasa pa
3y ago

Kung tutuusin din po blessed na po sa inyo na working ka na wfh. Kasi sa set up ko na need magbyahe papunta ng office napkahirap po lalo may time na nagkakaroon ako contractions na di ko namamalayan. Yung advantage po na ganyan sana po sabihin mo sa husband mo na wag sagarin lahat sayo.

Ung asawa ko nag aaway din kami kasi hinde nia ma maintain kalinisan sa bahay. As in ang dumi at ang gulo. Kung hinde pa ako magwawala hinde pa yan kikilos. Pero kumukuha cia taga linis. Tapos cia naglalaba, nagluluto, nag grocery. Kasi maselan ako magbuntis. Cia din lahat ng gastos sa bahay ngayon kasi nag stop ako work kasi maselan talaga. Ung tipong onte kilos nag bleeding ako. Siguro usap kayo sis. Kayo din naman makaka solve nian. Paglaban mo ung gusto mo. Ngayon ka lang naman buntis. Tumulong cia kamo. Kasi ako sa asawa ko pinagbabantaan ko talaga yan na pwede cia lumayas pag ayaw nia ako tulungan hahaha 😂 Pero iba naman kasi relasyon namin. At iba din ung sainyo. Kaya magusap kayo. Kayo lng naman nakakakilala sa isat isa. Work things out.

Magbasa pa

sobra naman po ung asawa nyo 🥺 nakakareklamo pag ganyan biruin mo buntis kana ganun pa sya. Ung asawa ko nung nalaman na buntis ako pinagstop na ako ng work nagbibigay na lang sya pera pera ko na daw lapa kung ano gusto ko bilhin bilhin ko daw dito kami sa bahay ng magulang ko wala akong ginagawa nakahiga lang spoiled nila ako 😅 pag meron lang si mr dahil byhero laging puyat pag umaga na andito sya kasama ko lutuan ko lang ng umagahan pero madalas simula naging kami laging sya nagluluto nag aasikaso sakin kaya swerte ko 🥰 sana maging maayus po kayo mag usap po kayo kasi dapat inaalagaan ka nya kasi mahirap ang magwork tapos buntis sayo pa lahat ng gawain. Parang naging single mom kana po labas nyan. Sana mapagusapan nyo po at maayos😇

Magbasa pa

Mii... Pagusapan nyo po ni hubby, have a time for both of you heart talk, kapag may dinadamdam ka magsabi ka po sa kanya, wag magiipon sama ng loob. Share ko lang po samin ni hubby, both po kami may work, si hubby mixed wfh at onsite, ako po mula ng malaman ko na preggy ako nag wfh na po ako. Syempre po di biro gastusin kapag preggy, aaray talaga si hubby haha pero syempre all the best para kay baby. Sabi nya sakin labs, pwede ba na kapag sa sahod mo, iless mo dapat iless yung card ko etc, tapos bigay mo sakin para less stress sakin lalo na po bedrest ako. For me, di po sumama loob ko at nung dumating sahod ko kwenenta ko sa kanya at sinabi ko na may portion ako na kinuha for my personal savings. Basta Mii usap po kayo 👶🙂

Magbasa pa

Ibig sbhin kahit sahod mo sya ang humahawak momsh? Parang d tama un. Ako kasi mula malaman namin pregnant ako nagstop na ko sa work early ML na agad 2 months palang tummy ko dahil maselan ako need mag bed rest, lahat ng pag aalaga ng hubby ko ramdam ko d ako kumikilos sa gawaing bahay nasa loob lang ako ng kwarto at hahatiran nlng ng pagkain. Sahod nya ako humahawak bbigyan ko lng sya ng budget pamasahe araw2, ngaun going to 6months na kong preggy ganun padin set up namin d ako msyado kumikilos. Lalo na 1st baby namin ito at may history ako ng miscarriage last 2016 kaya doble triple ingat namin. Usap kau ng hubby mo momsh ibahin nyo set up ng relationship nyo. God bless!

Magbasa pa