Advice please!

I'm 26 weeks pregnant. #1stimemom !! I'm 22 years old. Wala akong work at di pa alam ng parents ko na buntis ako. Sinasamahan ko lang boyfriend ko sa mga transaction niya sa online business niya, meron siyang kotse at may inuupahan na bahay. Kaso nga lang tuwing umuuwi ako sa bahay namin(bahay na parents ko) lagi na lang akong sinisermonan ng ate ko na maghanap daw ako ng trabaho, na kesyo daw mas maganda na kumita ako sa sarili kong pera.. Wala daw akong pakinabang, yung nanay ko naman nagagalit rin sakin.. Lahat naman ng gawaing bahay ginagawa ko, nilulutuan ko sila, hugas ng plato, linis ng bahay, lalo na kapag aalis ako para sumama sa deliveries namin ng boyfriend ko, ni-hindi rin ako humihingi ng pera sakanila. Di ko na alam gagawin ko. Yung boyfriend ko, niyayaya na akong magsama kami kasi kaya naman namin magtulungan at umalis na sa puder ng magulang ko.. Wala raw akong pakinabang pero nagagalit sila kapag umaalis ako. Naguguluhan ako, ano bang mali? Lahat inapplyan ko, pero mas iniisip ko baby ko :( Ngayon, paglayas na lang naiisip kong solusyon.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

better sabihin mo muna sitwasyon mo sa family mo tapos pag hindi padin maganda treatment nila sayo tsaka ka sumama sa bf mo since magkakababy na kayo. mag ingat ka malapit kana manganak wag ka masyado pastress kasi si baby maapektuhan.