College and Pregnancy

Hello meron po ba ditong college student at pregnant din? Ako po ay 4th year student 26 years old. Gusto ko kasi sana graduate ang mommy ng anak ko syempre. If meron kamusta po? Sa mga hindi naman po student at buntis ano pong opinion nyo sa aming mga mommy na.buntis ? Face to face na kasi next week at kinakabahan po ako sa mga sasabihin ng mga tao at professors. Salamat.#advicepls #pleasehelp #firsttimemom

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako nga 21 years old ako noon at last year na rin sa college noong time na nabuntis ako. In campus ako nag OJT noong time na iyon dahil bawal akong iout dahil nga buntis. Mahirap din kasi muntik na nga ako hindi makagraduate dahil sabi ng prof hindi daw sapat ang number of hours na binigay ko dahil one month pa ako pinabalik ng school pagkatapos manganak. Mabuti nga may department head sa school na tumulong sa akin. 9 rin sa gabi mag end iyong time of duty and kapag need kong umuwi ng maaga itong mga kaklase ko ipinagsusumbong pa ako sa teacher. Pero pag sila umalis dahil may gala hindi ko naman sila pinagsusumbong. Pero eventually, nakagraduate din ako at currently nagtuturo sa public school for 5 years. Kaya huwag kang panghinaan ng loob. Fight ka lang dahil para naman iyan sa kinabukasan sa magiging anak mo. Idedma mo lang iyong say ng ibang tao.

Magbasa pa

Hi, Ilang months na po ba kayong buntis? Okay lang po yan as long as kaya mo po and di ka sensitive mag buntis. Always be positive lang na ano man ang mangyare nagka baby ka man while u are currently studying eh matatapos mo pa rin yan and makakayanan mo po. Wala naman po masama sa pagkakaroon ng baby, and u are in a right age. May mga struggles nga lang po talaga na makakaharap ka habang nag aaral na ikaw ay buntis. Pero u can do it. Ako po, kakagraduate ko lang ng college tapos nagsstart palang ako sa first job ko when I found out na buntis ako. Nakaka stress din sobrang daming overthinking.. But eventually narealize ko na matutupad ko parin pangarap ko. Nililift up ko lang din sarili ko. Keep safe po.

Magbasa pa
2y ago

Ahh congratulations po.. Halata na rin po pala yan ano.. Ingat po lagi

Hi po! I am also a college tudent last semester until now (working while studying last sem) pinag patuloy ko parin pagiging student ko. Kakapananganak ko lng po 2 months ago sinabihan ko po lahat ng professor ko na mag stop nalang ako kasi di na ako pwd pumasok kasi high risk para sa baby ko full face to face na kasi they understand naman po pru ayaw pa rin nila na huminto kasi sayang babalikan ko na naman subject nila so nag module nalang po ako. It depends naman po sa professors nyo may nakaka unawa po sa sitwasyon natin meron din pong wala 😔

Magbasa pa

For me its better na focus ka muna sa pagbbuntis mo. if graduating ka, may thesis at marami pang iba na pwdeng makastress sayo. At isa pa mahihirapan ka nyan magfocus lalo kpag naglilihi. mnsan di mo mapipigilan yung sobrang antok at may times na napaka emotional mo. Risky din sa inyo ni baby kasi humihina ang immune system ng buntis. focus ka muna sa pregnancy. pwde naman after mo na tapusin, wala naman masamang malate gumraduate mahalaga matatapos mo padin nman. opinyon ko lamang po ito. hehe. thanks.

Magbasa pa

mas nakakaproud pag tinapos mo yan laking pagsisisi ko 10years ago nabuntis ako 3rd yr college 1st tri nag stop ako sa hiya pati na rin sa parents ko dahil mahal tuition ko ngayon greatest regret kong hindi nakapagtapos 😟. tapusin mo na yan mommy malapit ka na din nmn laban lang. nasa tamang edad ka na. wala naman ibang masasabi ang ibang tao kundi magiging proud pa sa iyo. Basta siguraduhin mo lang mi hndi ka high risk para kahit mag byahe ka. goodluck saiyo and sa sana healthy kayo lagi nu bby mo.

Magbasa pa

Sabihin mo sa most trusted na prpf mo muna, kasi pwede ka nila iconsider sa mga bagay na di mo kakayanin. Ganyan ginawa ko non nag open ako mga 6months na kasi mahahalata din nila, so bat ko pa itatago.. Qng mahalaga ituloy mo pagaaral mo. Wag mo ihinto, magingat ka nlng and lagi mong isipin ung kalagayan mo at ng baby mo. Kung di nmn importante pupuntahan manatili ka nlng muna sa house

Magbasa pa

Hi mi, same tayo 4th year college nadin ako 11weeks preggy napaisip din ako last time nung nalaman ko na preggy ako kung mag stop ba 'ko. Pero naisip ko sayang naman kung mag stop ako para nadin sa future ni baby❤️ Ngayon nag f2f ako also nag wowork, wala namang masama dedma nalang sa mga sasabihin nila wag ka papaapekto if may mag judge sayo😚

Magbasa pa

Hi sis, ikaw narin po nagsabi na gusto mo gumraduate ang mommy ng anak mo kaya dapat wag mong isipin yung sabihin ng ibang tao. So ayun nga dapat po magsabi ka sa mga prof mopo na buntis ka baka imodule ka po kapag malapit kana manganak 🥰 Ako po 3rd year college ngayon and 37 weeks napo tyan ko hehe pero swerte kasi d papo kami face to face 💙

Magbasa pa
TapFluencer

kapatid ko po full time student kahit nung nabuntis. grade 12 lang sya. wala pong masama sa pagtatapos ng pagaaral kahit na buntis. wag mo isipin sasabihin ng iba kasi yan ang unang anay na sisira sa pangarap mo. they can have their opinions to themselves. you will do this for yourself and your child. 😊. fighting mommy!

Magbasa pa

Hello. Saludo sayo sa pagtutuloy ng studies mo! Ask your prof or registrar what’s their policy or protocol to pregnant students, kasi syempre high risk ka for infection/covid tapos mag-f2f ka (though hindi na ganon ka strict ang protocol sa iba). Better to inquire ka muna sa school nyo kasi sila lang din makakasagot.

Magbasa pa