Hello mga MOMMY. ?

Meron kasi ako problem. Actually, not so problem. Gusto ko lang maliwanagan or makahanap ng reason para hindi ako makaramdam ng ganito.. So eto na nga', yung kapatid kasi ng Asawa ko. Nakitira sa amin. Napakabalahura. Napaka'kalat sa bahay. Mga pinag'balatan ng sabon na pinanlaba at shampoo niya, nasa CR lang nai'ipon hanggang sa ako na magtatapon kasi hindi na ako makatiis. Mga damit niya, sina'sampay lang sa CR at sa tapat ng bahay namin. Kung hindi ako ang kukuha, hanggang dun lang sa sampayan yun hanggang sa masuot niya ulit. Pati mga personal use ko, gina'gamit niya lalo Feminine Wash at Deodorant. Kaya napipilitan tuloy akong' i'tago parati mga gamit ko. Pati mga gamit namin sa CR, gina'gamit na niya din. Naka'hanap kasi siya ng work na malapit sa bahay namin ng Asawa ko kaya dito siya tumuloy. Nasabi ko na to' sa Asawa ko. Kaso ayaw niya rin sabihan kapatid niya kasi daw baka mag'away lang sila. Nakaka'Stress lang. Hindi ko tuloy na'Enjoy Maternity Leave ko sa pagka'stress sa kapatid niya. Sabi ko pati sa Asawa ko, kaya nga' kami bumukod ehh. Para walang nakikialam na iba sa bago naming' Family na binu'buo. Tapoa ganun naman. Advice naman dyan'. ?

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momsh ng situation ng kapatid ng hubby ko. Girl din. Ang pinagkaiba Lang NASA puder PA rin kami ng parents ko. Kinuha kasi ng hubby ko yung kapatid Nya dahil sa family problem nila,napapagalitan at nasasaktan ng tatay nila dahil sa Hindi pala pumapasok nun at sa katamaran na rin siguro. Nadala sa galit ang hubby ko. So ngayon kami ang nag-papaaral, senior high. Hindi naman masama ang tumulong, di ba? Pero ang masama, yung tinutulungan mo ba nga, Di PA makaramdam. Kaya di ko masisisi ang tatay nila kung Bakit ganun ang trato sa Kanya, dahil sa naturingang babae sya Di naman marunong tumulong sa bahay. Ako tuloy ang nahihiya sa parents ko. Dati ko naman ng sinabihan pero lumabas Lang ata sa isang tenga Nya. Ngayon PA't malapit na akong manganak, baka pababalikin ko na sya dun sa kanila. Kasi magiging Doble triple na gastos namin. Sa tingin nyo OK Lang ba ang balak Kong Gawin?

Magbasa pa
5y ago

Oo mabuti yan ate tamad naman pala

Kadurdur naman yon, mommy. Pati deodorant mo ginagamit! Nako ihiwalay mo na mga gamit mo. Pakita mo na tinatago mo. WAG MONG LIGPITIN MGA DAMIT NYA. hayaan mong madumihan, maalikabukan at mapupuan ng ibon sa labas. Pag di mo na kaya layasan mo muna yang magkapatid na yan. Bawal mastress nako kawawa kayo ni baby mo. Nakakairita naman hubby mo, wala ba siyang concern sa mental health mo? Kausapin mo ulit. Mamili kamo siya between sainyo magina or sa dugyot niyang kapatid.

Magbasa pa

Napaka selfish naman ng asawa mo. Sya dapat makipag usap jan. Kung ayaw nya kausapin kapatid nya... ikaw na muna ang umalis. Wag ka bumalik kung di nya hinanapan ng paraan yan. Nakakairita talaga yan. Alam ng asawa ko na sensitive ako sa ibang tao kaya alam na alam nya na hindi pwedeng may tumira na matagal with us kahit na mga kapatid pa nya yan o pinsan o sinong malapit na kaibigan. Alam nya yan kasi ganyan ako buntis o hindi.

Magbasa pa

Mag-usap pa kayo lalo nang masinsinan ng asawa mo. Kasi kung ako 'yan, wala na akong pake kung kapatid pa 'yan ng asawa ko. Kababaeng tao, dugyot? Eh, nakikitira lang naman pala s'ya sa bahay naming mag-asawa. Tandaan mo na ikaw ang reyna d'yan. May karapatan ka sa pamamahay na 'yan. Tapatin mo rin 'yang kapatid ng asawa mo. Mas maganda kung maririnig/makikita ng asawa mo. Ewan ko na lang kung 'di 'yan mahiya.

Magbasa pa
5y ago

Ilang beses ko na siya kinaka'usap. 😢 Kaso parang ako pa yung mali ehh. HAYS. Ako na nga' umi'iwas ehh. Kasi nai'irita talaga ako yung tipong kaka'Linis ko lang ng bahay. Pagdating niya, sige bagsak kung saan ang gamit. Ki'kilos, kung saan lang i'lagay mga ginamit. 😣

VIP Member

Naku same sa kapatid ng LIP ko. Kaya pag sinasabi pa lang nya na pupunta samin sinasabi ko na agad na " oh alam mo naman na ayoko ng dagdag kalat, ayoko pinakikialaman gamit ko lalo personal etc..." kaya gagawin ni LIP pagsasabihan na nya umpisa pa lang. Or kaya minsan di na nya pinapatuloy. May kalikutan din kasi kamay ng kapatid nya. Ang hirap kumilos na hindi ka secured sa sarili mong bahay.

Magbasa pa

Nasa same sitwasyon tayo pera kapatid ko naman ang nakikituloy sa amin pero di nmin problema ung ganyan ang problema namin ung linis sya ng linis ligpit ng ligpit laba ng laba nakakahiya kase at nahihiya ang asawa ko dahil gawa sya ng gawa sa bahay .. sadyang balahura lang talaga ung hipag mo sis . Hahaha .. wag mo stress sarili mo sa knya palayasin mo na kung kinakailangan..😀😀

Magbasa pa
VIP Member

Try mo sabihin.. "pasuyo naman nung mga naiipon na balat ng shampoo, pasuyo naman ng mga hAnger kasi mag sasampay na ako" mga ganon sis. Tapos kapag ayaw parin, sabihin mo sa asawa mo nasstress ka dahil sa kapatid niya. Kung ayaw niya talaga kausapin, lipat ka muna sa side mo para iwas stress.. kawawa naman si baby.. hehe!

Magbasa pa

"kaya nga kami bumukod" Actually maganda sa pakuramdam na nakabukod talaga ang kaso, problema talaga yan 🤔 Hindi naman siguro masama kung yung asawa mo ang magsabi sa kapatid niya tungkol dun. Mas maganda nga kung siya e kesa ikaw. Sana naman maintindihan ka ng asawa mo. Stressful talaga yan on your part 😡

Magbasa pa

Dapat magkaroon ng lakas ng loob ang asawa mo na kausapin ang kapatid niya. Pwede namang mag-usap na walang away ah. Eh kung sa bandang huli naman eh magagalit pa rin yung kapatid kahit na pinakiusapan na sya nang maayos, problema nya na yun. Ang importante ay ma-maintain yung peace of mind nyo sa sariling nyong bahay.

Magbasa pa
5y ago

One time na niya kasi pinagsabihan Sis. Maganda'ganda pa nga'pagkakasabi ehh. Sabi lang niya tulungan ako sa pag'Ayos at linis sa bahay. Kaso parang iba naging dating sa kapatid niya. 😅

Naku pati deo mo ginagamit nya. Pakabalahura sa katawan naman nyan. Pagusapan nyo ni mister di pwede ganun. Your house your own rules dapat. Saka hnd dahilan n baka mag away lang sila magkapatid. Eh ano gusto ni mister mo kayo mag away ng sis nya? Mamili sya kamo