napapalo ang anak, nakaka guilty

meron dn ba dito napapalo at nasasampal ang anak na toddler sa sobrang bigat ng hindi na maintindihan ang sarili 😭 lalo kapag iyak nalang ng iyak hindi tumatahan ang bata. nakaka guilty at the same time sana hindi nalang ako naging ina😭😭😭😭

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momsh Hindi talaga madali maging nanay.. we all experience the same struggles just like you do.. iba iba lang talaga tayo Ng paraan to handle things about our children's.. nuNg una ganyan ako.. sobrang ikli Ng pasensya ko Kay baby.. Lalo kapag nagtantrum na Sia TAs diko Sia magets.. pero habang tumatagal Natuto din ako.. na WAG SABAYAN SI BABY... dapat tayong mga nanay Ang PEACE Ng acting Ng mga baby sa mga Oras na PaTi Sila nabubugnot na sa paligid nila.. walang masama Naman siguro kung mapalo SI baby.. I sometimes does that to my daughter.. pero super alalay lang..Minsan nga Ang ginagawa ko sa sarili Kong legs nalang ako pumapalo.. yung tamang pahiwatig lang din sa knya na mali yung ginawa Nia.. there's nothing wrong to sometimes lose your temper.. shout and get angry.. but always remember na kung Anong ginagawa natin sa mga anak natin habang maliit pa Sila naaabsorb nila yon habang lumalaki Sila.. so you have to think twice momsh.. gusto mo ba yon ??

Magbasa pa

i feel you mamsh. ako naman nakukurot at napapalo ko din baby ko. nagagalit nga sakin si hubby pag nakikita niyang ginagawa ko yon. minsan kasi hindi ko din mapigilan lalo pag sobrang pagod ako at kulang sa tulog. pero as much as possible, iniiwasan ko kasi di rin maganda sa bata yon at kawawa naman sila. may times na iniisip ko din bakit pa kasi ako nag anak, bakit pa ko naging nanay, feeling ko di ako bagay dito. pero kung iisipin mo naman mabuti, baka ito talaga yung purpose mo. lalo pag nakikita kong natutulog na yung baby ko, pinagmamasdan ko talaga siya tsaka nagsosorry ako kung minsan mainitin ulo ko sabay kiss lang. ikalma po natin sarili natin. kawawa naman baby mo kung nasasampal mo siya :((

Magbasa pa
TapFluencer

Everyone deserve to be a mom huwag mo isipin na sana hindi ka na naging Ina. Post Partum Depression yan gawin mo layo ka muna sa anak mo pa kalmahin mo sarili mo inhale exhale ka. Hayaan mo sya umiyak ng umiyak tapos pag kalmado ka na tapos umiiyak pa din sya lapitan mo tanungin mo sya bakit sya umiiyak then explain mo sa kanya in a nice way at yung kalmado ka. huwag mo sya sabayan ng galit ng inis parehas kayo hindi magkaka intindihan. kung nasaktan mo sya na sigawan mo sya dapat mag sorry ka sa kanya explain mo sa kanya nagawa mo lang yun dahil iyak sya ng iyak. iwasan mo sana na sigawan at nasasaktan yung anak mo.

Magbasa pa

never ko pa nasampal anak ko. ayaw ko sila saktan kasi lumaki ako na ang mama ko panay palo LOL well ok naman ako pero baka kapag ginwa ko sa anak ko iba ang isipin or trauma sknya. Kapag nag iiyak or tupak ank ko hinahayaan ko lang sya kahit masakit sa tenga LOL kapag kalmado na saka ko kinakausap ng mahinahin. Ayaw din kasi ng Papa nya namamalo kasi not good for child development.

Magbasa pa

Baka po PPD. Yung palo po madalas ko naman naririnig pero yung sampal sa toddler nakakatakot po. Kapag po naiinis na po kayo hinga po muna kayo kasi kapag gigil po kayo mabigat po kamay at kawawa ang bata kapag ganun. Hindi na po corrective yung pagpalo kundi pagbuhat na ng kamay sa kanya. Mi try niyo po magpacheckup.

Magbasa pa

hingi ka ng tulong propesyonal sa pinagdadaanan mo.. post partum depression yang ganyan..

try po to calm yourself first. kawawa nmn po kc mga kids ntin kung puro palo nlng po.

same tayo momsh! pero ngayon iniiwasan ko na kasi naaawa din ako pag napapalo ko.

Related Articles