Kabet ba ako? ?

Meron akong ka live in at kasal siya sa iba. 9 years na silang hiwalay, okay naman ang pagsasama namin. Napakaswerte ko nga sa kanya kung tutuusin kasi napakaresponsable n'ya lalo at 6 months pregnant ako. Kaya lang bumabagabag talaga sa kalooban ko kahit ayokong isipin pero hindi siya mawala-wala. Kabet pa rin ba akong maituturing kahit na matagal na silang hiwalay ng asawa n'ya noon? (Hindi rin naman ako ang dahilan ng hiwalayan nila dahil mahigit isang taon pa lang kaming magkarelasyon) This is really funny, but IDK, di talaga mawala sa isip ko yan. ? KABET BA AKO? ?

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Yes kabet ka sa batas pero wag mo na isipin yon. Kanya kanya naman na sila baka masaya na din ung babae sa bago niang partner. Isipin mo nalang ung sa inio, kung may nagsasabi sayo ng ganyan dedmahin mo nalang keber nila di naman kamo nila buhay yan. Matanong ko lang nag file na ba ng legal separation silang dalawa?

Magbasa pa