Public or Private Hospital?
Mejo naguguluhan po kasi ako, san po kaya mas ok manganak? Sa private hospital or public hospital? Meron naman po budget sa private kaya lang, nanghihinayang po kasi ako instead na sa panganganak magastos, kay baby ko na lang ilaan ung pera namin ni hubby. Gusto ko naman sa private kasi monthly nakikita ko si baby through utz monitor, and nung 1st time ko sinama si hubby tuwang tuwa sya na makita anak namin dun sa monitor. Kaya lang sobrang pricey talaga, and based on hearsay pag daw sa private kahit kaya mong inormal i CCS ka pa rin para kumita sila. Sa public po kasi heart beat lang napapakinggan. Pero nakapag pa CAS naman na ako and ok naman lahat kay baby. Sobrang tipid din pag sa public. Any suggestions mga mommies? FTM here po, 20 weeks pregnant. Thanks!