Public or Private Hospital?

Mejo naguguluhan po kasi ako, san po kaya mas ok manganak? Sa private hospital or public hospital? Meron naman po budget sa private kaya lang, nanghihinayang po kasi ako instead na sa panganganak magastos, kay baby ko na lang ilaan ung pera namin ni hubby. Gusto ko naman sa private kasi monthly nakikita ko si baby through utz monitor, and nung 1st time ko sinama si hubby tuwang tuwa sya na makita anak namin dun sa monitor. Kaya lang sobrang pricey talaga, and based on hearsay pag daw sa private kahit kaya mong inormal i CCS ka pa rin para kumita sila. Sa public po kasi heart beat lang napapakinggan. Pero nakapag pa CAS naman na ako and ok naman lahat kay baby. Sobrang tipid din pag sa public. Any suggestions mga mommies? FTM here po, 20 weeks pregnant. Thanks!

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Private. Ewan ko lang sa hearsay na sinasabi mo kasi yung ob ko at ob ng friend ko gusto nila i normal talaga and hindi ma cs yung patient. Ask ka online if sino yung ob na ini encourage yung mommies na i normal delivery . Sa case ng friend ko napagod na sha sa kakaire and gusto na nyang ma cs yung ob nya ayaw syang i cs. Sa aken naman nagagalit si ob ko pg malaki tubo ng timbang ko kasi daw baka ma cs ako lalaki pa yumg gastos ko daw. Saka Naalagaan pa ng maayos pag private eh. Sguro mag public ka na lang or maternity clinic pag 2nd baby na. Saka pag may complications during delivery mas safe pg nasa private hospital ka. Sa case ko kasi 3.8 kgs si baby, ng bleed ako ng dugo sobrang dami. Tinurukan ako ng worth 700 na pampa stop ng bleeding, di nag work ginawa ni ob yung worth 3500 tinurok nya and ng stop else baka daw tinanggalan na ako ng ovary or worst namatay na ako. I was thankful na ng private ako and sobrang patient nila sa aken. Sa public kung maarte ka or pabebe kang umire , i-CCS ka na...dito yan sa amin sa Davao. Saka parang nakakatakot manganak sa public lalo na't first time.

Magbasa pa

Kung may budget ka nman eh di mag private ka. Naranasan ko kasi yung kapatid ko nanganak sa lying in, nagka sepsis ang bata paglabas na paglabas ng baby hindi umiyak at na ngitim na. 1 month sa ospital yung baby, ako minsan nagbabantay. Umabot ng 150k ang bill. kaya na trauma ako, ang dami kong nikikitang baby dun. Im 8 weeks pregnant ngayon, at pumili ako ng magaling na doctor, yung hindi ako peperahan. Minsan chinachat ko lang ob ko then pabasa ng result thru viber walang sinisingil na bayad. Magbibigay sya gamot thru msg lang din. Hindi sya namemera. Sobrang bait pa. Pinapayuhan nya dn ako na sa hi precision mag pa lab para d mahal. Binibigyan nya ako ng reseta ng advance, kapag sumakit ang tyan ko o nag spotting. Minsan sa doctor mo din yan. Kung may malasakit ba talaga sa pasyente nya. Yung una ko kasing doctor mukhang pera. Basa lang ng result wala pa 1 min kami nag usap bayad agad. Wala nmang kwenta pinagsasabi nya, walang explenation or what so ever. Kung ano ano pang lab ipapagawa.

Magbasa pa

Ganyan din ako gusto ko lumipat ng public para sana yun magagastos sa private e magamit nalan sa needs ni baby kaso lan ayaw din ng asawa ko at ako di din ako kampante. Kaya nag patuloy ako sa OB ko na OB rin ng sister ko, kasi sabi ng sis ko tested nya na maalaga si Doc sa Mommy at Baby and yun naman yun pinakamahalaga, diba? Ramdam ko din kay Doc everytime na check up namin. Lagi sakin sinasabi ng ate ko na mas mahalaga ang safety kung saan mo feel na mas safe kayo. Kasi nga naman ang pera pwede yan pag trabahuan pa, pero ang buhay nyo mag ina, walang kapalit. Kaya Mommy mag usap kayo ng hubby mo, wala din naman masama sa public kasi may mga kakilala din na ako na okay naman sila nanganak sa public. Basta make sure na buo ang loob mo para wala kang takot at doubt pag dating ng delivery day. ❣😊 Excited na din ako manganak sa May, Godbless sa lahat ng Mommies and Babies ❣☝️

Magbasa pa
5y ago

ok aman po mamshie sa public basta OK kau ni baby ako 1st n 2nd public lahat n 3rd public ulit sa may din ako manganganak

Ako based on experience ah. Kung maayos naman dun sa public hospital dun kana. Nung 1st trim ko hanggang 6 months ko sa private OB ako nagpapacheck up. Then nagtanong ako presyo jusko nashock ako kung magkano manganak sa ospital na yon 😂 kinwento ko kay mama kaya sabi nya umuwi nalang ako dun daw ako magpacheck up sa community hospital. Mahaba lang sa pila kase nga public madami pasyente(buntis) tyaga tyaga lang. Ayun nakapanganak ako via CS delivery yung bill umabot ng 25k ata pero wala kami binayaran dahil nacover sya ng philhealth ko 😊😊😊 200 pesos lang para sa NB screening. Tapos malinis pa ospital and magaling mga nurses at doktor. Wala pa 1 week nakakakilos kilos na ko sa bahay(yun nga lang napapagalitan ako kay mama kase baka daw mabinat ako) Yung budget sana namin na pang normal delivery sa private hospital ayun pinang pagawa ng kwarto namin sa bahay 😊

Magbasa pa

Actually kahit ako naiisip ko rin yan, mahirap kasi pera these days. Pero family ko mismo, ayaw na sa public ako manganak. Nothing against public hospitals, pero kasi here sa province po namin, di talaga maganda experience sa public hospitals. Minsan namamali sila ng turok ganun, hirap hanapin ugat ko, etc tas you have to wait for your turn. May friend din ako na namatay baby niya kasi napabayaan sa hospital (based on what she said ha). Pero kung okay po facility sa public hospital nyo, why not po diba na dun na lang kayo. But if you really have the budget, private ka na sis. At least you'll be safe for sure and sulit naman bayad mo for sure. Besides like what they all say here, kaya pa kitain yung pera uli eh. :)

Magbasa pa
5y ago

Dito din sa amin sa bulacan un public hosp po dito andaming reklamo. Pabaya sila s mga pasyente nila na manganganak na and un nakapanganak na minsan hindi na nila iniintindi kahit nilalangaw na daw un mga kepay ng nanay komo public at s dami ng pasyente. Ang nagkukwento un kasambahay nmin na ilan bes ng nanganak s hosp na un. Kya kung may budget bkit mo titipirin ang sarli mo at ang anak mo. Naksalalay s panganganak mo ang baby mo, unahin mo yun maayos na panganganak kung hindi maayos ang hosp hndi mo din madedeliver ng maayos ang bata usually un pa magiging dahilan ng pagkakaron ng infection o sakit ng bata..

pareho tau ng prinsipyo mamsh. ako sa private nagpapacheck up monthly and until 8 months. nung weekly na dun na ko sa hospital ng mga sundalo since libre sya benefits ng asawa kong Navy. 600 kse kada check up sa private OB ko. and na quote na 70-80k ang magagastos for normal delivery sa private ano pa kung CS. good decision ko kse na emergency CS ako pero nakalipat nko ng public which is wla ko binayaran ni isang kusing sa CS delivery :) share ko lng. Nasayo mamsh ang desisyon. :) ngayon ung ipon namin para sa panganganak ko para nlng sa binyag ni baby :)

Magbasa pa

Ako po private OB till 35weeks para monitor c baby... den 36 weeks onward sa public na ko... dapat po tlga private ako ngbago isip ko kze good feedback naririnig ko sa mga katrabaho ko sa public hospital na pinaanakan ko... ok nmn po facilities sa public lalo ng private room ako.. pero sa panganganak tlga lakasan ng loob.. mg isa ka maglabor at iintindihin ka lang pag nakikita na nila ulo ni baby unless may complication kau ni baby... medyo nakakadala po.. thank God nlng at vgood c baby hndi ako napahirapan sa labor 5hrs lng out na xia..

Magbasa pa

Naka private OB ako pero sa public hospital ako manganganak. Every check-up ko sa private clinic ako ng OB ko nagpupunta kaya nakikita din sya ng husband ko sa monitor and pinapayagan din kami ng OB ko i-video yung ultrasound ko. 😊 Then, I was confined last March 4 due preterm labor. Admitted ako sa public hospital kung san assigned din OB ko. May mga nakasama din ako sa ward don na galing silang private hospital pero lumipat ng public nung manganganak pero naka private OB. Sobrang okay naman. 😊

Magbasa pa

for me po mas prefer ko ang private may experience ako sa public hospital dito sa bulacan nung na raspa ako sa 1st baby ko sana kaso hindi ka agad nila aasikasuhin mga nurse dun naninigaw pa ng nanganganak dahil nag dumi na no anesthesia din ako nung niraspa kaya ramdam ko yung pain.. kaya nung nagka baby ako ulit nag private doctor ako at hospital lahit mahal alagang alaga naman ng ob ko si baby at ako although hindi talaga naiwasan na ma cs ako pero worth it pa din lumabas ng healthy baby ko..

Magbasa pa

If you can afford go to private sis. Ako din ganyan mindset ko nung una gusto ko public kasi nga nmn may pwdeng pag laanan na ibang bagay yung pera but try to think of it buhay mo at buhay ni baby yan don't risk it kung may pera ka nmn mommy. Mas safe padin kapag private ka, and depende sa OB mo yung ganyan. OB ko si Dra. Lee sabi nila kahit mag makaawa ka saknya na iCS ka dahil sa sakit di nya gagawin kapag alam nyang kaya mo talagang inormal. She's a nun btw.

Magbasa pa