STRESS SA TRANSPORTATION

Medyo nakaka stress lang pag sinasabihan ka nila na "bawal ka ng umangkas sa motor baka makunan ka or mabingot baby mo". No choice lang talaga kasi: 1. If magji-jeep or UV ako, ang haba ng pila, aabutin ka ng 30mins to 1hr or higit pa sa pilahan. Sobrang sakit sa paa. At masama raw nakatayo ng matagal sabi nila. Then pagbaba mo, aakyat - baba ka sa footbridge. Then sasakay ng tricycle papasok samin, eh sobrang daming humps, ganun din, tagtag. 2. Taxi or Grab? - jusme! Dapat magresign nalang ako kasi ung sahod ko mapupunta lang dito. Pagod pa ako. Hirap magtrabaho na buntis. Need magtrabaho eh kasi if walang trabaho, for sure mahihirapan kami sa mga gastusin if ung partner ko lang may work. P.S. sobrang ingat at bagal po magdrive ng partner ko. Di nmn sya kaskasiro :) :)

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang treatment sakin ng ob ko maselan kase hirap ako magbuntis dahil sa pcos, pero never ako nag bleeding. Meron nung second tri ko discharge may infection dun ako nag bedrest. Simula ng buntis ako hanggang ngayon 7 months na ko umaangkas pa din ako sa motor ng asawa ko pero malalapit lang siguro 10-15 mins ride ganon. Mas matagtag pa kase sa jip o tricycle para sakin. Working din ako malayo nilalakad ko nag mmrt din ako, from bulacan to santolan araw araw byahe ko. Sa awa ng diyos makapit ang baby ko araw araw ako nagdadasal kinakausap ko sya kakapit lang anak papasok/uuwi na tayo.

Magbasa pa

ako simula 3mos until nanganak ako sumasakay ako sa motor ng asawa ko, mas madali nga naman ang byahe pag nakamotor tska alam naman ng mga asawa natin kung pano tau ingatan at magdahan2, kesa magtricycle,jip or taxi may ibang driver na walang pakialam kung buntis ba ung nakasakay humaharurot lang basta2 nakakairita..basta be sure lang na bago at habang bumabyahe pray lang tlaga at doble ingat

Magbasa pa

depende naman kasi sa selan ng pagbubuntis yun at sa pagdadrive ni Hubby. ako nd ko alam na buntis ako (irreg kasi ang mens ko) sumama pa kami sa pagRides ni Hubby 2 months na pala ko nun. from Rizal to Batanggas. tapos kahit alam ko na buntis na ko. up tilk now na 7 months na ko. lagi padin ako umaangkas sa kanya kasi mas komportable ako kesa sa Jeep or tricycle.

Magbasa pa
VIP Member

8 months preggy na po ako pero hanggang ngayon umaangkas parin ako sa motor ni partner. Wala naman pong naging problema, hindi naman kasi ako maselan magbuntis. Nakikita nga ako ng ob ko na nakamotor eh, hinahayaan lang nya ako. Wala naman kasi siyang nakikitang komplikasyon kay baby. Normal lahat ng result ng test at ultrasound ko.

Magbasa pa

Pinagbawal na po ako both parents namin ni hubby kakamotor, saka nagaalangan din si hubby kahit maingat patakbo nya kasi matagtag talaga kahit anong ingat. Ako din po nahihirapan haha. Minsan pag tinatamad ako, taxi or grab ako. Pero madalas commute ako.

Depende po yun kung maselan pagbubuntis nyo. Ako nung nagwowork hanggang 8months, hatid sundo ako pa motor pero based sa 4d ultrasound, wala namang bingot si baby and sa bps ultrasound, okay na okay naman yung result

5y ago

Normal nmn lahat ng result nung nagpa ultrasound ako, pati heartbeat ni baby normal din as per my OB. Wala rin akong spotting nor discharge. Nakaka stress lng minsan mga tao, di nila alam na ung pang angkas ng motor ung lang talaga pinaka madaling transpo ko.

Kung di ka maselan sis go sa motor kung c hubby mo naman ang magdadrive basta maingat at mabagal magdrive.. pray nlng po pinagbabawal na se kase nga delikado para sainyo dn ni baby kaso wala ka po choice ee..

nasa pagiingat po ni hubby yan.. ako till manganak nakamotor.. mas safe pa compare sa mga tricycle or dyip.. kahit may buntis ang bilis magmaneho lalo sa lubak lubak..

Ako po grab lang since preggy na akl. Nag dudugo po kasi akl kada lakad and akyat ng stairs :( working student pa naman po ako.

Grab is life since preggy.. mahirap na mag commute.

Post reply image
5y ago

Hindi naman po masakit sa bulsa 😅