STRESS SA TRANSPORTATION

Medyo nakaka stress lang pag sinasabihan ka nila na "bawal ka ng umangkas sa motor baka makunan ka or mabingot baby mo". No choice lang talaga kasi: 1. If magji-jeep or UV ako, ang haba ng pila, aabutin ka ng 30mins to 1hr or higit pa sa pilahan. Sobrang sakit sa paa. At masama raw nakatayo ng matagal sabi nila. Then pagbaba mo, aakyat - baba ka sa footbridge. Then sasakay ng tricycle papasok samin, eh sobrang daming humps, ganun din, tagtag. 2. Taxi or Grab? - jusme! Dapat magresign nalang ako kasi ung sahod ko mapupunta lang dito. Pagod pa ako. Hirap magtrabaho na buntis. Need magtrabaho eh kasi if walang trabaho, for sure mahihirapan kami sa mga gastusin if ung partner ko lang may work. P.S. sobrang ingat at bagal po magdrive ng partner ko. Di nmn sya kaskasiro :) :)

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Jan ako nakunan kakasakay sa motor. Sabi ng OB masama pala yun. di kase regular ang check up ko dati kase busy sa work. Pag maselan ka magbuntis makukunan ka talaga pag natagtag ka sa motor.

If no choice po talaga make sure mo po that you're wearing safety gears and invest ka po sa helmet. Wear belly support din mommy para di masyado matagtag si baby. Pagdoble ingat mo nalang si hubby mo kasi masanggi lang ng konti yung motor talagang tatalsik e. Be careful, mommy.

Hi mommy, may mga buntis talaga, like me, na binawalan ng OB mag angkas sa motor kasi matagtag.