Palipat lipat ng OB
Hi, medyo nagwworry ako kasi palipat lipat kami ng OB. Gusto ko kasi makahanap ng okay sana para may assurance ako. Yung una kasing ob, okay naman kaso grabe morning andon kami tapos gabi na kami nakakauwi, may time pa na 10pm na kami nakauwi. Yung second naman is magastos, bukod sa check up fee may doctor's fee pa na 1k so kung papa ultrasound ka sakanya na 3500 may 1k pa at bukod pa don ang check up fee. Ending naghanap ako ng lying in nalang kasi sabi ni mommy mas naalagaan pa daw sya sa lying in dati kasi konti lang din ang tao, unlike daw sa ospital na matagal ang iintayin. Ngayon naman may nakita akong lying in, may doctor din dun na nagpapaanak at maganda din ang room, pwede din sakanila mag water birth. May same cases ba dito na same sakin? Currently 6 mos na din ako, baka bumisita nako sa lying in next next week.