Pa-rant lang po mga mommies kasi wala akong mapagsabihan...

Medyo long read: Pa-rant lang po kasi wala naman akong ibang mapagsabihan dahil nakakahiya din pag nalaman ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Pinanindigan ko na taong to eh. So ayun, kung titignan kami ng bf ko ng mga taong nakakakilala samen, sobrang normal lang na magjowa halos parang mag-asawa na din. Pero ang di nila alam, mas madalas kami mag away over small stupid things. Yes as in sobrang liit na bagay na walang kakwenta kwenta gagawan pa nya ng issue, all because of him kase ayaw magpatalo, kailangan laging tama sya sa lahat ng bagay. Di nya kayang tanggapin pag nagkamali sya. Ako pag tumatahimik na ko pag nagaaway kami, ayaw nya pa din tumigil sa kakaputak nya ng putak, araw-araw pa ko niyan minumura minsan parang tinatrato na parang basura na nakakastress na din at nakakahighblood pero in the end hihingi nalang ng sorry na parang di ako sinabihan ng mga kasumpa-sumpang mga salita. Minsan wala ka namang ginagawa sa kanya pero bigla nalang gagawa sya ng mga walang kwentang pagaawayan dahil sayo ibabaling yung badtrip nya sa ibang bagay. Katulad nalang kanina, nagaayos at naglilinis kami ng kama kasi papalitan yung luma na naming kama nung bed ko na binili ko before and hindi ko nagamit ng 3years as in naka stock lang sa kabilang bahay namin. As in kakabili ko lang non nung bago lang kami (3years na din kami). Di hamak na kahit papaano mas bago dun sa hinihigaan naming kama nya na 2-3 decades na ang tagal sa kanila kung di ako nagkakamali!!! P^t@ng in@ diba ang liit na bagay, mas gusto nya yung luma ang ipatong sa ibabaw nung mas bagong kama? Para san pa't pinaarawan ang mattress at nilabhan ng mommy ko yung bed cover non? Eh sa lagay dun nya sa luma pahihigain si baby na pagcheck ko kanina may mga surot na pala naglabasan nung pagkabagsak nung kama habang nililinis ko at vinavacuum. Di nya magets yung point ko na mas madumi yun, mas madaming alikabok at malamang may surot. Gusto nya pa ata magka-allergy ang baby paghiga dun kagigil lang. Nabadtrip sya sakin dahil di nasunod ang gusto nya, bahala na daw akong magayos ng mga kama. Ayun +@ng#n@ edi iniwan nya saken yung 2 queen sized bed na parehas 7 inches ang kapal at sobrang bigat, at sa sobrang badtrip ko din at pagod dahil gusto ko na din humiga, BINUHAT KO PAREHAS MAGKASUNOD YUNG 2 KAMA WHILE I'M ON MY 36TH WEEK OF PREGNANCY. Pinuwersa ko talagang buhatin kahit pagod na ko talaga sa paglilinis palang ng kwarto. Sa sobrang bigat ay napwersa ko nga ang sarili ko, sumakit ng malala yung balakang at likod ko. Alam ko kasalanan ko din, kaso wala akong choice kasi wala naman akong pagpapahingahan pag diko binuhat yon. Pagbalik nya after a few hours sa kwarto namen, di ako pinapansin at pinagtatawanan lang ako. Di man lang nag-alala at parang di man lang naisip pano ko nabuhat yon sa sobrang hirap na kong kumilos dahil sa laki na ng tyan ko at alam na alam nya yon. Sorry po ang babaw ko pero ang point ko po is sana di nyo na-eencounter na murahin at pagsalitaan araw-araw dahil sa mga ganyan lang na bagay lalo't buntis pa kayo. Ang hirap kasi nakaka-stress pa, hindi mo alam kung ano ang madudulot non kay baby. Anyway, salamat po sa time nyong magbasa ng rant ko na di ko rin sure kung may kwenta din ba para sa iba.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kainis yung partner mo sis ah Hahaha Pero para sakin, siguro need niyo mag usap as tropa. Yung tipong mahinahon lang kayo mag uusap, ung hindi lalabas na parang sinesermunan mo sia. Kase kame ng lip ko, nag aaway dn naman kame pero di kame dumadating sa point na nag mumurahan kame. Para kaseng di maganda sa isang relasyon ung ganon, nagmumura tas masasakit na salita. Pag di kame nag kakaintindihan aalis sia, palipas ng init ng ulo, tatahimik ako, after ilang oras lalapit ako or sia, then magsosorry na kame s isat isa. Sasabihin niya ung side nia na mali sasabihin ko din ung side ko na mali ako. Tas mag uusap na kame ng mahinahon na mali kame pareho, dapat kase ganito ganon. Share lang, siguro pag nagusap kayo wag yung puro sia ung mali, kase baka imbis na maging okay e lalong uminit ulo ng partner mo kase mafeel nia na sia na naman laging mali. Explain mo dn side mo na nsasaktan ka sa pgtrato nia sayo. Sana mkatulong ako, pero lahat naman kase ng bagay nadadaan sa mahinahon na pag uusap :) Anyways, 4yrs na kame ni lip, 2yrs magjowa 2yrs lip. Di na kame nag aaway ngayon, ako nlang palaging nagtatampo at naiinis, siguro dala nlang dn ng pag bubuntis. And wag mo na dn ulitin sis ung ginawa mo na gumawa ng gawaing bahay mag isa, buti walang masamang nangyare sa inyo ni baby. Pag umalis sia, habulin mo nlang ule sia na baka pedeng ayusin nia nlang ung isang kama para may mahigaan ka. Ingat sa pagkilos, isipin muna lagi si baby.

Magbasa pa

First of all alam mong 36 week pregnant ka hindi ka pa nagpatulong kung sino man ang available dyan na pwedeng tumulong sayo malapit kana manganak hoy hinay hinay lang sa pagkikilos imagine queen sized bed? Ghorl okay ka lang? Second tinatawanan kapa ng jowa mo? Hindi man lang naisip kung baka mapano ka tapos parang okay lang sayo? Leave girl mukang kaya mo naman palakihin yung baby mo kesa nagtitiis ka sa ganyang attitude ng jowa mo, 3 years na kayo ganyan parin? Diba dapat alam nyo flow ng ugali ng isa't isa at alam nyo na kung pano ihandle lalo sa mga ganyang sitwasyon. may pundasyon na yan, respect. Pero bat ganyan?

Magbasa pa

Grabe naman ang asawa mo mommy. Dapat iniintindi ka niya, eh ang lumalabas parang siya pa ang babaeat buntis sa inyong dalawa kung makahimutok. I'm lucky di ganyan si hubby, lagi kami nag aaway sa maliit na bagay pero ako ang nag uumpisa at nilalambing niya ako agad, ayaw niya ng pinapatagal. Kaya minsan dinadalasan ko din makipag away sa kaniya para lambingin ako, na iispoiled kasi ako sa lambing kapag inaaway ko siya. Try mo makipag usap sa kaniya (sa hubby mo) ng masinsinan, then after niyo mag usap na dalawa saka ka mastart mg isip kung ipapagpatuloy mo pa ang relationship mo sa kaniya or hindi na.

Magbasa pa
VIP Member

Ang toxic namang ng jowa mo sis. Self love is very important. Kung di ka niya kayang i-treat as a lady diba, iwan mo na. Minsan kakapatawad natin kasi mahal natin we didn't know wala na pala silang respeto satin kasi nasanay silang gawin yung mga bagay na ganun which is not okay. Para sakin, when both of you starts to throw bad words to each other without feeling guilty, sign yan ng toxic relationship. Sinong taong gusto makisama sa lalaking kapag galit eh di ka nirerespeto emotionally and verbally. Hindi valid reason yung galit. Hugsss nalang mommy. I pray na mareliaze ng Jowa mo ung worth mo. ❤

Magbasa pa

Ang toxic ng partner mo teh, dapat dyn palayasin na lang, wala naman kwenta eh, alam na buntis ka sana sya ang gumagawa ng di mo na dapat gawin, pag napwersa ka talagang sasakit balakang at likod mo, yun nga lang yumuko ka masakit na eh what more na nagbuhat ka ng kama, lalaki ba yan? Wala man lang betlog, ayaw magpakalalaki, kawawa kayo mag ina sa ganyan klase ng tao, makasarili,isip bata, mukhang di magandang ehemplo yan sa anak mo pag lumabas na.. Mas ok pa na baby na lang wala ng partner

Magbasa pa

Girlllll, he sounds like he has anger management issues. Ayaw mo siya kausapin about that? Kausapin mo lang na kalmado ka. pag nagsimula na siya magalit, Wag ka papadala, just stay as calm as possible. Sabihin mo na walang magandang effect kahit kanino, even to himself yang ganyang attitude. He's being toxic na and it's unhealthy. Sorry, i know you weren't asking for advice and just wanted to vent out pero your rant warranted an outsider opinion eh.

Magbasa pa

Diyos q Kung ganyan Asawa q matagal q na dinispatcha!.. Ganito Lang Yan ee. Hnd ka nya inaswa para mura murahin,,hnd ka nya inasawa para anakan Lang,,hnd ka nya inasawa para alilain mg gnyan diyos q mag isip2 ka dn ate,, sa tingin mo ba aasenso buhay mo,,Kung hnd kau nag sisinundanan mag Asawa,,,hnd girl!.. Hanggat mataas Ang pride mg Isa at hnd nag papatalo magulo at d maus na pamilya Ang lalabasan nyan...diyos q kinaya mo buhatin..un

Magbasa pa

Sis kaya ganyan ang jowa mo,its bcoz wala sya respeto sayo..at wag mo pamihasain na ganun sya sayo..kasi baka pati ikaw mawalan na ng respeto sa sarili mo..love your self darling buntis ka ginaganyan ka nya..kaya munaman siguro buhayin yang baby mo.kaysa pag labas ni baby ganyan abutan nyang daddy...ako sis pang 4 kids kuna to,pero yung hubby ko super alaga padin parang always panganay..alagaan mo sarili mo sis..

Magbasa pa

Try mo kausapin heart to heart sis ilabas mo lhat ng hinanakit mo sknya at sentiments kung need mo umiyak ayusin mo lng approach mo pra masyos usapan nio kc d laging madadaan sa sigawan lhat. Gawin mong sentro ang dios mgdasal lagi or ayain xa mgsimba. Lift all ur worries to GOD ipray mo ng taimtim xa lagi dahil walang imposible.

Magbasa pa

Toxic ng jowa mo sis. Payo lang sis, pagkapanganak mo uwi kana muna sa inyo para may mag-alaga sayo pagkapanganak. Kasi kung ganyan pinapakita ng jowa mo jusko baka bagaak mo PPD kakaintindi sa kanya. Tsaka baka di ka pa nyan pagsilbihan kapag nanganak ka, mahirap kumilos kapag bagong panganak. Ingat nalng always sis

Magbasa pa