Pa-rant lang po mga mommies kasi wala akong mapagsabihan...

Medyo long read: Pa-rant lang po kasi wala naman akong ibang mapagsabihan dahil nakakahiya din pag nalaman ng mga kamag-anak at kaibigan ko. Pinanindigan ko na taong to eh. So ayun, kung titignan kami ng bf ko ng mga taong nakakakilala samen, sobrang normal lang na magjowa halos parang mag-asawa na din. Pero ang di nila alam, mas madalas kami mag away over small stupid things. Yes as in sobrang liit na bagay na walang kakwenta kwenta gagawan pa nya ng issue, all because of him kase ayaw magpatalo, kailangan laging tama sya sa lahat ng bagay. Di nya kayang tanggapin pag nagkamali sya. Ako pag tumatahimik na ko pag nagaaway kami, ayaw nya pa din tumigil sa kakaputak nya ng putak, araw-araw pa ko niyan minumura minsan parang tinatrato na parang basura na nakakastress na din at nakakahighblood pero in the end hihingi nalang ng sorry na parang di ako sinabihan ng mga kasumpa-sumpang mga salita. Minsan wala ka namang ginagawa sa kanya pero bigla nalang gagawa sya ng mga walang kwentang pagaawayan dahil sayo ibabaling yung badtrip nya sa ibang bagay. Katulad nalang kanina, nagaayos at naglilinis kami ng kama kasi papalitan yung luma na naming kama nung bed ko na binili ko before and hindi ko nagamit ng 3years as in naka stock lang sa kabilang bahay namin. As in kakabili ko lang non nung bago lang kami (3years na din kami). Di hamak na kahit papaano mas bago dun sa hinihigaan naming kama nya na 2-3 decades na ang tagal sa kanila kung di ako nagkakamali!!! P^t@ng in@ diba ang liit na bagay, mas gusto nya yung luma ang ipatong sa ibabaw nung mas bagong kama? Para san pa't pinaarawan ang mattress at nilabhan ng mommy ko yung bed cover non? Eh sa lagay dun nya sa luma pahihigain si baby na pagcheck ko kanina may mga surot na pala naglabasan nung pagkabagsak nung kama habang nililinis ko at vinavacuum. Di nya magets yung point ko na mas madumi yun, mas madaming alikabok at malamang may surot. Gusto nya pa ata magka-allergy ang baby paghiga dun kagigil lang. Nabadtrip sya sakin dahil di nasunod ang gusto nya, bahala na daw akong magayos ng mga kama. Ayun +@ng#n@ edi iniwan nya saken yung 2 queen sized bed na parehas 7 inches ang kapal at sobrang bigat, at sa sobrang badtrip ko din at pagod dahil gusto ko na din humiga, BINUHAT KO PAREHAS MAGKASUNOD YUNG 2 KAMA WHILE I'M ON MY 36TH WEEK OF PREGNANCY. Pinuwersa ko talagang buhatin kahit pagod na ko talaga sa paglilinis palang ng kwarto. Sa sobrang bigat ay napwersa ko nga ang sarili ko, sumakit ng malala yung balakang at likod ko. Alam ko kasalanan ko din, kaso wala akong choice kasi wala naman akong pagpapahingahan pag diko binuhat yon. Pagbalik nya after a few hours sa kwarto namen, di ako pinapansin at pinagtatawanan lang ako. Di man lang nag-alala at parang di man lang naisip pano ko nabuhat yon sa sobrang hirap na kong kumilos dahil sa laki na ng tyan ko at alam na alam nya yon. Sorry po ang babaw ko pero ang point ko po is sana di nyo na-eencounter na murahin at pagsalitaan araw-araw dahil sa mga ganyan lang na bagay lalo't buntis pa kayo. Ang hirap kasi nakaka-stress pa, hindi mo alam kung ano ang madudulot non kay baby. Anyway, salamat po sa time nyong magbasa ng rant ko na di ko rin sure kung may kwenta din ba para sa iba.

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh kausapin mo sya sabihin mo yang mga yan pag okay kayo in a very nice way malay mo ma realize nya yung ginagawa nya sayo. Pray ka din na sana mag bago sya hirap ng ganyang kasama sa buhay

ang toxic po ng buhay mo sis, , kung pwede lng, balik ka muna sa mommy mo po pagka panganak mo para sa safety rin ninyo ni baby rin yun... immature pa kasi bf mo sis, di maka intindi.. 🙁

Mamsh bakit parang siya pa yung buntis? Ba't ang daling magalit, tapos ikaw pa mag a-adjust. Tsk :/ kausapin nyo po sya pag kumalma na at tanungin mo kung bakit ganyan trato nya sa iyo.

Thanks God hinde ganyan ang asawa ko sobrang malambing maintndihin at maalaga sakin. 6weeks pregnant ako at sobrang binibgay at ginagwa nya lahat ng gusto ko. Para samin ni baby.

so sad at minumura ka lng ng jowa mo.. ako 10yrs na kami mag asawa never ako minura ng asawa ko.. immature ang bf mo sis kung ako iiwan ko yan pra marealize nya ung halaga mo

Naku nakakapikon ang ganyan kasama,yung ikaw yung tama pero paninindigan niya yung sa kanya kahit na mali.,mahabang pasensya talaga ang kailangan mo at maraming dasal..

super hirap g ganyan ..wala pa ung baby niyo ganyan kana niya itreat pano pa pag andyan na ung baby ..pls magisip ka sis ..immature pa pagiisip ng hubby mo

TapFluencer

Hanggat dpa kyo kasal leave...sa umpisa lang mahirap pero mkakaya mo yan....your in toxic relationship it will not work anymore....

VIP Member

Ang cancer ng ugali ng partner mo, tsk! If i were you pagisipan mo kung hanggang kelan mo kayang tiisin ugali niya.

VIP Member

,😔😔 nakakasad pero mas nakakainis sis sarap upakan parrner mo 🤣 pasencya kna ha d q mapigil 🤣🤣