Gaano ka-involved ang asawa nyo sa pagpapalaki ng anak nyo?

Masyado bang mataas expectation ko kung gusto ko lang naman mas maging involved asawa ko sa pagpapalaki ng anak namin? 2months old palang baby namin at sa ngayon, focus tlaga ako kay baby dahil nagbbreastfeed ako. Dalawa lang din kami ng asawa ko sa bahay, wala kaming kasambahay. Ako ang primary caregiver ni baby pero minsan nakakagawa rin ako ng gawaing bahay kapag nailapag ko si baby at di umiyak. Madalas kasi ngayon na ayaw nya talaga magpalapag. Usually, nakakasaing, luto ng ulam minsan, hugas ng pinggan, almusal at walis ako sa umaga at sa gabi naman ay naglalaba ng mga nadumihan ni baby dahil nag-cloth diapering kami pag daytime. Ang asawa ko naman, naglilinis din ng bahay at nag-aasikaso sa mga alaga naming aso at pusa. Ang kinaiinisan ko lang, araw-araw syang umaalis ng bahay para mag-gym. 2-3hours syang nawawala. Sa mga oras na wala sya, madalas nagbbreakdown ako sa pagod sa pag-aalaga sa anak namin. Masyado ba kong mahigpit kung hilingin kong itigil muna ng asawa ko ang paggym nya at ilaan muna lahat ng oras samin ng anak nya lalo pa at 2months old palang? Di ko rin masabi minsan na swerte ako na naka-Wfh sya at maluwag ang workload dahil madalas ako lang din talaga nag-aalaga kay baby unless humingi ako ng tulong, which is sobrang rare din naman dahil hangga’t kaya kong tiisin, tinitiis ko. Hindi naman sa nagrereklamo pero kasi napapagod din naman tayong mga nanay at di naman tayo robot. Wala pa syang kusa kung minsan na mag-asikaso unless humingi nga ako ng tulong o magreklamo na ako. Kung minsan 5-10mins nga lang ang hinihingi ko sa kanya para asikasuhin si baby para makapag-inat at pahinga naman ako saglit. Paano ko po kaya sya mapagsasabihan na hindi masisira yung relasyon namin? Kasi sa totoo lang kapag pinipigilan ko sya maggym parang ako pa yung masama dahil yun na nga lang daw ang libangan nya at di nya kayang di magpawis dahil parang wala sya sa mood buong araw. Sanaol may luxury of time para makapag-asikaso pa ng sarili. Hay. Pasensya na po napahaba. Wala talaga akong mapagsabihan :( #advicepls #firstbaby #theasianparentph #1stimemom

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

same tau ng buhay mi .. mula sa 1st bb ko d xa kusa mag alaga sa mga anak nmin un lng problem ko kanya .. hindi xa mag kusa sa mga anak nmin .. ngaun my 3months na kaming bb at ung panganay ko is 5years old .. dto sa 2nd bb nmin .. 2 lng dn kame wala kame ksama sa bahay at sa panganganak ko wala ung both parents nmin para my makasama kame .. 1week palang ako nag lalaba na ako mi ng mga damit nmin🥺10am dun palang ako mkakakain ng almosal dahil inuuna ko pa asakasuhin sila although xa nag luluto ng umagahan bago pumasok .. 1month ni lo 3 to 6am gising na kame 6.30 papaaraw kuna xa sa labas,7.30 balik kame sa higaan tutulog kme,8,30am gigising na c mr mamalengke na xa 9. magluluto na xa at gising nadin ako .. 10 kakain na sila,at papaliguan kuna c lo,11am aalis na xa .. kakain nadin ako nyan at maghuhugas pag katapus,1,2 or 3pm sinusubukan na patulugin c lo .. pag nkatulog na,maliligo nadin kme ng panganay ko then mag lalaba na ako nyan c panganay na mag duduyan sa kapatid nya habang nag lalaba ako .. 6 pm mag lilinis na ako at mag aaus na din ng higaan .. 7 kain na kame ng gabihan by the way 2x lng kame nkakakain ng panganay ko🥺 10 to 11pm matutulog na c lo ,at 11pm darating nmn na c mr .. hindi kuna xa enuobliga kc nga pagud xa sa work nya .. pero d xa makaramdam na need ko dn ng tulong nya at anak nmin ito .. minsan nga pag hinihili ko c lo ang ginagawa nmn nya nag eeML ,ganyan ang rotation ng buhay ko nun gang ngaun 🥺 nag tuturo pa ako nyan sa panganay ko module ..

Magbasa pa
3y ago

Naku same mi! Ganyan din asawa ko, halos di mabitawan ang cp nya. Ultimo habang nagba-bonding with baby, kunyari sabihin ko ipa-tummy time nya, naku sa phone lang nakatingin. Kako kausapin namin yung anak nya, yun na lang nga kako yung bonding moment nila e cp pa kaharap nya. Nung isang araw lang nga rin nagulat sya dami ko nagawa in 1.5hrs habang tulog si baby (laba, saing, luto ng ulam, hugas ng plato, walis at nakaalmusal na rin ako). Tas sabi nya pa marami rin naman daw syang nagagawa in 1.5hrs tulad ng kain, pagwalk sa mga alaga naming aso at walis. Kako yung 1.5hrs na yun, in reality kain lang natatapos nya kakacp nya. Natawa sya kasi totoo naman daw hahaha aminado naman syang di nya nagagamit efficiently yung oras nya. Mas marami pa kako idle time nya kesa sa mga oras na productive sya e. Ganun ata talaga dahil sanay tayo mga mommies mag-multitask at sila e one at a time lang talaga kumilos 🥲