Gaano ka-involved ang asawa nyo sa pagpapalaki ng anak nyo?
Masyado bang mataas expectation ko kung gusto ko lang naman mas maging involved asawa ko sa pagpapalaki ng anak namin? 2months old palang baby namin at sa ngayon, focus tlaga ako kay baby dahil nagbbreastfeed ako. Dalawa lang din kami ng asawa ko sa bahay, wala kaming kasambahay. Ako ang primary caregiver ni baby pero minsan nakakagawa rin ako ng gawaing bahay kapag nailapag ko si baby at di umiyak. Madalas kasi ngayon na ayaw nya talaga magpalapag. Usually, nakakasaing, luto ng ulam minsan, hugas ng pinggan, almusal at walis ako sa umaga at sa gabi naman ay naglalaba ng mga nadumihan ni baby dahil nag-cloth diapering kami pag daytime. Ang asawa ko naman, naglilinis din ng bahay at nag-aasikaso sa mga alaga naming aso at pusa. Ang kinaiinisan ko lang, araw-araw syang umaalis ng bahay para mag-gym. 2-3hours syang nawawala. Sa mga oras na wala sya, madalas nagbbreakdown ako sa pagod sa pag-aalaga sa anak namin. Masyado ba kong mahigpit kung hilingin kong itigil muna ng asawa ko ang paggym nya at ilaan muna lahat ng oras samin ng anak nya lalo pa at 2months old palang? Di ko rin masabi minsan na swerte ako na naka-Wfh sya at maluwag ang workload dahil madalas ako lang din talaga nag-aalaga kay baby unless humingi ako ng tulong, which is sobrang rare din naman dahil hangga’t kaya kong tiisin, tinitiis ko. Hindi naman sa nagrereklamo pero kasi napapagod din naman tayong mga nanay at di naman tayo robot. Wala pa syang kusa kung minsan na mag-asikaso unless humingi nga ako ng tulong o magreklamo na ako. Kung minsan 5-10mins nga lang ang hinihingi ko sa kanya para asikasuhin si baby para makapag-inat at pahinga naman ako saglit. Paano ko po kaya sya mapagsasabihan na hindi masisira yung relasyon namin? Kasi sa totoo lang kapag pinipigilan ko sya maggym parang ako pa yung masama dahil yun na nga lang daw ang libangan nya at di nya kayang di magpawis dahil parang wala sya sa mood buong araw. Sanaol may luxury of time para makapag-asikaso pa ng sarili. Hay. Pasensya na po napahaba. Wala talaga akong mapagsabihan :( #advicepls #firstbaby #theasianparentph #1stimemom