Masama bang matulog ng basa ang buhok?

May masamang effect ba talaga ito sa kalusugan? Ginagawa mo ba ito nang madalas?

Masama bang matulog ng basa ang buhok?
130 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nope. di naman daw po masamang matulog na basa ang buhok, ang ikinasama lang daw po nun ay magkakabalakubak ka. di din ako naniniwalang masakit sa ulo, kasi mas fresh ang pakiramdam ko kapag nagigising ako na basa basa pa din ang buhok 😅 kaya minsan sinasadya ko matulog na basa ang buhok ko

I am not that sure. According to the oldies, it's not advisable to sleep kapag basa ang buhok mo, but in my case, I always fell asleep kahit basa ang buhok ko dahil Breast feeding Mom ako. Nakaka tulog ako unknowingly and unintentionally while my little bubba is nursing🙂

VIP Member

No, medically kasi wala pang studies. Pero sa experience ko, di na po ako uulit. I have glaucoma now. A part of my one eye loss vision. I already had surgery too. Mga nakakausap din may glaucoma sleep na basa buhok. Di naman masama umiwas nalang din po.

Sa iba masakit nga raw sa ulo pero ako hindi naman. Tsaka may napanood ako sa YouTube na natutulog ng damp hair. Minsan paggising ko maganda bagsak ng hair ko pero kapag paikot ikot ako matulog buhaghag paggising.

VIP Member

For me hindi po🙂kasi madalas ako ganyan lalo na pag galing sa work ligo talaga kasi medical field ako ni sure ko ung safety ng family ko. And thank God wala naman nangyayari sakin na kakaiba🙂❤️

VIP Member

may chance na magka balakubak ka. wag maniniwala sa sasakit ang ulo haha walang kunek un kasi hanggang sa balat lang ung tubig nd naman makakapasok sa ugat or utak🤣

Hindi naman daw nakakasama ng kasulugan sabi ng Doctor peru nakaka cause ng dandruff dahil sa pag tulog nababasa yung unan lalo na pag di pinalitan agad ng pillowcase.

VIP Member

Sabi ni Ernie Baron nuon sa Knowledge Is Power na kung may masamang epekto man ang pagtulog ng basa ang buhok yun ay mababasa unan mo😂

mababasa ang unan 😂 but base to my personal experience, masakit sa ulo pagkagising kapag makatulugan ko basa pa ang buhok

VIP Member

Sa experience po ng Nanay ko, sabi niya mas madali daw tumubo ang puting buhok. 😅 Still not sure if this has scientific basis. 🤣