Sleeping Problem

Masama po ba ang magpuyat ng sobra ? Kahit na nahihirapan nako makatulog sa madaling araw ? Pinipigilan ko naman matulog sa tanghali para makatulog sa gabi. At kung makakatulog naman ako sa gabi saglit lang tulog ko tapos gising nako hanggang madaling araw. Ano po ba dapat gawin pag ganun ?

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Part po talaga ng pagbubuntis yung nahihirpan kang matulog, naranasan ko yan magmula nung nag 5 months na tiyan ko hanggang 9 months, nahihirapan akong matulog kahit umaga man o tanghali para makabawi man lang, minsan nakakatulog namn pero nagigising din ng madaling araw mostly bandang 1 am tapos hindi na ako makakatulog nun.. Kahit anong gawin ko talaga nahihirapan akong matulog. Pero pagkapanganak naman nakakatulog na ako, as of now 3 days old na si baby, masarap na tulog ko, hindi na ako nahihirpang matulog.

Magbasa pa