Sleeping Routine

Normal lang ba na late na natutulog ang 1month old? Kadalasan kasi sa madaling araw sya gising pero tulog sa umaga at tanghali. Mababago pa ba yun? Tska ano magandang tips para makatulog sya ng maayos sa madaling araw. Lagi kasi umaga na tulog ko tska kulang na kulang nako sa pahinga huhu. Thankyou po

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mababago pa yan mommy, ganyan ako nung mag one month din si baby grbe din puyat ko😅 sinasabayan ko sya ng tulog pag tulog sya para makabawi din.. Ngayon 2mos na ok na nakaktulog na sya ng gabi naggising lang pag gutom at change diaper then sleep ult,kahit walang hele, kusang napikit sya.. Ginawa ko kasi pag gabi naka dim light kami, sa umaga maliwanag nilalaro din namin sya,may tv hehe Ngayon sobrang ok na sya magsleep😄😄

Magbasa pa
VIP Member

Agree with trying a sleep routine. Tsaka dapat paramdam mo din ung day and night sa baby. Turn off lights sa gabi, sa umaga naman hawiin ang kurtina. Minimal stimulation sa gabi, sa morning mas laruin ang baby. Effective din daw kung sa gabi paliguan ang baby para mas comfortable although dito sa atin ayaw ng matatanda. Basa ka mga sleep training momsh or nuod video sa yt.

Magbasa pa
VIP Member

Normal yan, yes magbabago pa yan. Gawa ka routine para malaman niya yung araw at gabi. Pag sa araw maliwanag medyo maingay, sa gabi by 6pm punasan n si baby at palitan ng damit, dim light at tahimik na dapat. Ako nung nag 2 months siya nag start kami ng side lying position pag pinapadede ko siya ayun, di na ako puyat at tulog lang din siya sa madaling araw.

Magbasa pa

magbabago din po yan :) hindi pa kasi nila alam un difference ng umaga at gabe po. you can establish a sleep routine kgya ng sabe sa isang comment dim light po sa gabe para mfeel ni baby na gabe na. Effective naman kasi un almost 3 month old baby ko mahaba na un tulog nya sa gabe gumigising lg kng mgdede and change nappy :)

Magbasa pa

Yes it’s normal ganyan din baby ko turning 2 months this coming 27 of August. Sobrang puyat umaga at gabi tulog madaling araw gising. Magbabago din sleeping routine nila. 😊

sane tayo momsh ganyan din lo ko at normal lang po gumising ng madaling araw pero magbabago rin din po konting tiis pa

VIP Member

It is a normal to the newborn accoeding to the doctor. Ganyan din ang baby ko kaya dapat sabayan sila sa pag tulog

Its normal sis. Ganyan din baby ko 1 month and 9 days na siya. Lagi umaga tulog namin hehe

VIP Member

Opo.. Pero every month mag babago naman yan hanggang sa ndi na sya mamuyat

VIP Member

yes normal lang , and magbbago din po yung routine ng pg tulog nya