Sama ng loob sa biyenan/MIL.

Masama ba ako kung di ko na appreciate yung binibili ng biyenan ko sa anak ko? 8m pregnant na ako pero kasi may sama ako ng loob sa MIL ko. Naalala ko kasi noong 4w delay ako nagpacheck ako kaagad tapos inultrasound agad ako ni Doc. tapos pinapabalik niya ako after 2w kung may development nalaman ng biyenan ko ayon daming sinabi. Wag raw muna ako magpaultrasound kasi masama sa bata yung radiation atsaka baka raw magkaroon ng defect yung anak ko eh tiningnan ko sa internet di naman sabi niya after 4 months nalang daw isabay na raw sa gender reveal. Na realize ko nalang na nanghihinayang siya kasi tanong siya nang tanong magkano nagastos namin tapos sinabi pa ng hipag ko na noong wala ako sabi ng nanay niya "noong panahon namin wala namang ganiyan blah blah blah". Sinabihan siya ng hipag ko na "bakit di mo nalang pabayaan para naman sa bata". Ngayon naman yung asawa ko gusto niya manganak ako sa private kasi gusto niya masigurado yung safety at comfort namin ni baby pero kapag may nagtatanong sa akin saan ako manganganak? MIL ko sumasagot sasabihin niya sa Public hospital 😢😥😥 Kung tutuusin may pera naman sila eh kung halimbawa magkulang ipon ng asawa ko kaya nila magbigay. Kahit di na magbigay pahiramin lang kami. Ang sama kasi sa kalooban na sarili niyang anak at apo dinadamutan niya pero yung ibang tao kapag manghihiram ng daang daang libo ang dali lang sa kaniya. Wala akong magawa kasi nakikitira kami pero kahit nakikitira kami tumutulong kami mag-asawa yung tipong kahit buntis ako nagiging katulong na ako babantayan ko pwesto nila sa palengke pero bago ako umalis maglilinis muna ako ng bahay nila tapos magsasampay pa, kauwi ko galing palengke ganon nanaman maglilinis ako ng bahay. Napag uusapan naman namin ng asawa ko yung mga sama ng loob namin sa nanay niya pero yung iba di ko talaga masabi kasi ayoko na dumagdag pa. Update: Matagal na po kami nakabukod pero hanggang ngayon nasisilip pa rin kami. Yung asawa ko na rin nagpapaaral sa kapatid niya pero ang dami pa ring sabi sabi🤦🤦🤣

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit anong hirap ng buhay at sitwasyon sikaping bumukod at itaguyod ang sariling pamilya. Bumukod, kasundo mo man o hindi ang biyenan. Iba pa rin kasi yung freedom na mararamdaman mo bilang isang asawa at magulang na nagagawa mo yung gusto mo para sa sarili mong pamilya in your own roof. Mas nagkakaroon tayo ng room to grow bilang isang magulang at asawa. I believe that this is very important for a healthy marriage, healthy parenting and healthy family relationship. Check your spouse kung komportable ba sya sa kinalalagyan nya. Baka hindi mo alam gustong gusto na nya ng family privacy. May mga misis na nagtitiis lang dahil hinahayaan nilang mag lead ang mister nila pero kung ito naman din ang magle lead sa laging hindi nyo pagkakaintindihan siguro panahon na para mag step out sa iyong comfort zone. You cannot grow if you choose to stay in your comfort zone. Minsan may mga mister na kailangan lang ng konting push pero samahan natin ng support at panghihikayat na kaya nya at kaya ninyong mag asawa. Laging idaan sa maayos na usapan. Laging piliin kung anong mas makakabuti para sa pamilya. Money can be earn pero yung pamilyang tinataguyod nyo mahirap ayusin kapag naging dysfunctional na. Magtiwala kayo sa Diyos na kaya nyang mag provide. Basta marunong kayong magsumikap at kung gusto naman talaga laging may paraan. Genesis 2:24 Therefore shall a man leave his father and his mother, and shall cleave unto his wife: and they shall be one flesh.

Magbasa pa