Pakealamerang Biyenan

Kaninang 4:30 am pumutok panubigan ko dumiretso kami sa kumadrona kasi yun yung gusto ng biyenan ko. Sobrang kuripot kung tutuusin may pera naman. 8 months tiyan ko pinapabalik ng doctor tapos sabi niya kahit wag na kasi sabi ng kumadrona okay naman na raw kaya naman daw ng normal delivery. Tapos kanina tiningnan 1cm palang pinadala na kami sa hospital kasi raw baka macs ako delikado raw kasi. Sa sobrang pagtitipid ng biyenan ko ilalagay pa kami sa kapahamakan. Nasa hospital na kami nagmamarunong pa rin sabi ba naman paglakarin daw ako sinaway siya Ng nurse di na raw pwede kasi mauubusan ako ng tubig. Tanghali na nagmamarunong pa rin tanong pa ng tanong sa nurse kung pwede ako maglakad juskoooo nanghihina na nga ako. Sana umuwi na masyado na pakealamera gusto ko na kausapin asawa ko kasi naiinis na talaga Ako kaso baka mag-away sila mas mastress lang ako. Nagsisi ako kung alam ko lang nagpacheck up nalang Ako para Wala Ako sa sitwasyon na to. May kausap siya kamag-anak tapos parang pinapalabas na nag iinarte ako. Gusto niya pa nga sa bahay ako manganak eh tapos nalipat sa public tapos sa kumadrona. Update: NaCS po ako at napagalitan pa ng doctor.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i feel you mii, ganyan na ganyan yung nanay ng partner ko , gusto ko kasing manganak sa lying in dahil mas maaalagaan ka talaga pero mas pinili ng nanay ng partner ko na sa public ospital ako manganak keso hindi naman daw kami mayaman, keso wala raw babayaran pagpublic, lahat po sinunod namin siya pero nong manganganak na ako wala siyang nagawa kundi murahin ng murahin mga nurse sa ospital dahil pumutok na kasi panubigan ko pero hindi ako tintanggap ng ospital dahil may bulutong ako that time, ang parent ko lang talaga nagpakalma sa sitwasyon ko, ang mahirap pa don gusto niya siya lang nasusunod at pinamalita pa sa mga kakilala namin na wala raw akong utang na loob, kaya kahit tawaging biyenan di ko magawa til now na 4 yrs old na panganay ko and now 36 weeks na akong preggy, hindi ko na talaga sila pinakinggan maliban sa ob ko. kaya di po masama mii na hindi sila pakinggan kung alam mo naman na nakakagulo lang sila dahil may sarili kang desisyon para sa inyo ni baby

Magbasa pa
2y ago

Ang nakakainis pa ngayon ang pinapalabas niya sa mga tao siya ang gumastos sa hospital at mga gamit ng anak ko pati gatas kahit hindi naman. May pera yung asawa ko may ipon pinaghirapan niya yon syempre bilang lalaki insulto yon kabawasan yon na isipin ng ibang tao na pabigat kami kahit di naman.

Update po mii? Ok na po ba kayo ni baby ngayon? About sa byenan may mga ganyan po talagang mga tao tinutulad nila yung tao sa kapanahunan nila nakakainis lang. kahit ako badtrip ako sa opinion ng byenan ko kesyo wag na mag paultrasound kasi madudurog daw yung bata sa tyan🥴 kabuwanan ko na daw kasi kahit daw may request ang doctor pwede naman daw di sundin. E ang akin lang kaya gusto ko talaga mag paultrasound bukod sa gusto ko makita yung baby ko gusto ko rin malaman if placenta previa pa ba ako. Nakakainis lang

Magbasa pa
2y ago

Di ako bumili ng Manzanilla pero yung bigkis di ko pa alam kung kinabit kasi na cs kasi ako bawal pa tumayo pero di ako bumili ng bigkis siya yung bumili.

Nakakainis naman iyang pakielemera mong Biyenan mommy kung ako sayo stress ka na nga sa anak mo at panganganak pauwiin mo na iyan Biyenan mo. Marunong pa sa Doctor at Nurse. Dagdag isipin mo pa siya. Delikado ang mawalan ng panubigan dahil baka magkaroon ka ng fetal distress. At bumukod kayo magasawa, kasi malamang paglabas ng apo niya. Kung ano ano nnman pamahiin ang gagawin niya sa anak niyo like manzanilla at bigkis which is hindi na natin ginagawa ngayon. Nakoo. Ako nastress sa biyenan mong walang ambag kundi stress!

Magbasa pa
2y ago

di ako bumili niyan bigkis atsaka Manzanilla pero Siya bumili ng bigkis para di raw malaki yung tiyan

Mahirap ang sitwasyon na kasama ang biyenan sa iisang bubong kung kasama mo sya. Super stressful yan lalo pag nanganak ka na, pagod, puyat at under postpartum. Maganda na humiwalay na kayo mag asawa dahil yun talaga ang design ng panginoon sa marriage, (Leave.Cleave.Weave.) Mark 10:7-8. Hindi kailanman magkakasundo dalawang reyna sa isang kaharian. Lagi yan war. You will only experience the joy and blessings of marriage if we choose to follow God’s design. Talk to your husband.

Magbasa pa

Khit byenan ko ganyan, na-cs ako tas tinatanong if lalabas na kami kinabukasan, tarantada. Kahit pera naman namin ng asawa ko ang ginastos, alalang alala sya sa gastusin. HAHAH siguro kasi baka maubusan ng bigay sakanya. hanep sya

2y ago

uyy same naiinis nga ako eh tapos panay sisi pa sa akin kasi kaya naman daw inormal eh paanong inonormal nauna nga yung panubigan tapos 1cm lang. Naiinis ako eh. Sarap sabihin eh kung sana pinabayaan mo kami magpacheck up sa doctor naresetahan pa ako ng vitamins kahit primrose eh nagtitipid siya edi mas lalong napagastos nahirapan pa ako.

sis balita po nanganak kanaba dapat dikapo nagpapastress😣 ako kc wala katuwang partner ko nagwowork ako kasama ko panganay ko 2yrs old tas preg ako sumasakit nanga ung tyan ko e

Kapag nag mamarunong ng ganyan di nakakatulong e. Sabihin niyo po sa asawa niyo pra mapagsabihan ang mama nya na di mo naman kailangan ng opinion galing sakanya.

2y ago

Yan ang mahirap kapag epal un biyenan hahahaha

nanganak ka na ba? ,1hr lng dat malabas n si baby kung pumutok n panubigan mo. bat po kase di kayo nGipon ng pampaanak?

2y ago

May pera po kami may ipon asawa ko kung tutuusin yung asawa ko ang may gusto na magpa hospital ako bumalik sa OB pero ang nangyayari kapag aalis kami nagagalit siya inaaway asawa ko tapos kung ano ano sasabihin.

That is why I don’t live with my inlaw. Wala kang sariling Desckarte at desisyon sa buhay

delikado yan paq ganyan magpacs ka else mapapahamak keonq dlawa