MIL na pakialamera

Need advice Nakikitira kasi kami sa MIL ko buntis palang ako tinitipid niya na kami mag-ina kailangan pa namin tumakas para magpacheck up ultimo ultrasound nanghihinayang siya. Sa sobrang pagtitipid niya di niya na ako pinabalik sa doctor kasi sa kumadrona nalang daw Ako manganak ayon na emergency cs tuloy ako. Kung tutuusin may pera kami mag-asawa nasa plano na namin mag private hospital. Dalawang beses na kami nagtalo nung huling beses nagdecide ako na umuwi nalang sa amin. Maayos kami ng asawa ko pero nag aaway kami ng dahil sa nanay niyang pakialamera. Hanggat maaari ako nalang umiiiwas kasi baka may masabi nanaman siya sa akin na ikasasama ng kalooban ko. Noong nandoon kami ng baby ko sa nanay ko nakakapagpahinga ako Hindi niya ako inoobliga kumilos pati paglaba ng damit ng anak ko mama ko kasi nga cs ako pero dito sa MIL ko subukan mo magising nang tanghali kahit alas otso lang sisimangutan ka na. May time pa nga na ginising ako para lang magligpit may times din na pinagdadabugan ako pero pagdating sa Facebook tapos kaharap ibang tao kala mo mahal na mahal yung apo niya parang pinapakita na spoiled. Pinapalabas niya pa na ang dami raw gastos sa hospital tapos sa gatas siya raw bumibili kahit di naman. Umuwi ako sa amin pero pinasundo niya rin kami. Gusto ko umuwi sa amin pero naaawa ako sa asawa ko mahal na mahal niya yung bata yung pinapagawa naming bahay di pa kasi tapos dahil nga nanganak ako. Okay naman kami ngayon ng MIL ko civil ako para wala ng gulo pero ang hirap kasi naaalala ko lahat. Napakarami niya pang nagawa sa amin. Pati pa pala sa binyag ng anak ko gusto niya mangealam feeling ko kinakaya kaya ako kasi wala akong trabaho. May naghihintay na sa akin na trabaho doon sa amin na di Ako mabibinat. Sa tingin niyo ba dapat ba na umuwi nalang muna ako sa amin?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Sa tingin ko po ay unahin nyo muna kausapin ang mister nyo. Whether or not ok lang na umuwi kayo sa inyo, sa kanya kayo magpaalam at magpaliwanag. Hopefully ay maintindihan nya kayo, tapos sya na mismo dapat ang magpaliwanag sa MIL mo... 🤗