Raspa

Hi mamshies, Nakakalungkot yung spotting ko for 1 week nag end ng miscarriage. 8 weeks and 6 days po ang est sa transv result ko kanina. Now, sobrang lakas na ng pagdudugo ko. May mga buo buo na din. Masyado po palang mahal ang pagpaparaspa at sa ngayon as in walang wala po kami ng asawa ko, wala din kami mahihiraman pambayad sa raspa sana. Itatanong ko lang sana mamshies anyone na nakaexp po na hindi nagparaspa? May side effect ba or ano ano po ginawa nyo? Please advice po. Litong lito na ako :(

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mami kailangan mo po talagang magparaspa or check up kase may natira pang fragments ng fetus at placenta yan kaya ka dinudugo.. kung hindi yan maaalis pwede kang magka infection or magshock... anong sabi sayo ni doc?

May case na no need ng raspa kung na complete na yung miscarriage. Pero kung may natira, kelangan iraspa since maari kang magkaimpeksyon (sepsis) kapag di lumabas yun.