Formula Milk

Mamsh ask Lang ano ba dapat Kong gawin Kasi Yung lo ko 7days old hirap syang mag pupu knina buo Ang pupu nya iyak sya Ng iyak..formula fed Po sya(BoNa).. SBI nman Ng matatanda dto samin painumin ko daw water..eh Alam ko ksi bawal tlga uminom Ang baby Ng water hanggat Wala pang 6mos..ano ba dapat Kong gawin? FTM sna Po masagot nyo ako.. wla n ksi ako nanay kaya Wala ako mapag tanungan..TIA

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Try to breastfeed seven days pa naman unlilatch lng or change your formula milk. Ang nakikita kong reviews for bona is nakakatigas talaga ng pupu hehe. Or if may malapit kayong center patulong ka dun corredt latching hehe pero siyempre tanong ka muna kung matutulungan ka nila

VIP Member

Ibreastfeed mo. 7 days old palang naman pala. Para wala ka problema sa pupu nya. Anyway Pag ganyan constipated. Di nya hiyang bona. Need mo magpalit kung ayaw mo magpabreastfeed

bat ayaw mo magpabreastfeed? yung iba kasi nagdadahilan na lang na walang gatas e ang totoo ayaw lang talaga nila...kaya maski hirap na sa buhay ayaw pa din ibreastfeed walang tyaga.

5y ago

Maybe she has reasons. Let's not be judgemental about the mom's choice. This page is to help. Nobody is perfect but every mom wants the best for their LO. Your best may not be the same as theirs.

momsh better to ask your pedia , pa check up po kayo pra no worries kayo.... parang hindi hiyang si baby sa milk nya, constipated kc ....

No to water muna sya momsh. Di pa yan advisable sa ganyang edad. Baka need to try other fm brand. You can consult pedia online po.

wag mo po papainumin ng water. Di pa po sya advisable sa ganyang edad. Baka yung milk nakakatrigger ng hirap pag poop nya po.

Breastfeed po or try ibng brand ng milk. Pag constipated po si baby it means di sya hiyang sa milk nya po

Mommy massage mo po sya. I love you massage. Nood ka sa youtube. Wag mo po painumin ng water

Dapat breastfeed mamsh. Mas mabuti kase ang BF kesa formula. Pagtyagaan mo lang.

Bakit hindi ka Breastfeeding? Pag ganyan kasi hindi yan hiyang.