Bakit ang negative ng "MAMA'S BOY" pero yung "DADDY's GIRL" cute lang?

Bakit nga ba? Comment what you think below!

Bakit ang negative ng "MAMA'S BOY" pero yung "DADDY's GIRL" cute lang?
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

basa ko ito somewhere- Why do most women HATE mama's boys? Napakadami kong kilala. Mag-asawang nag-aaway dahil mama's boy daw yung partner o asawa. Madami na din naghiwalay sa ganyang dahilan. Tanong ko lang, gaano kabigat na kasalanan ang pagiging masyadong malapit sa ina para iwan ang pamilya? O kasalanan nga ba yun? Para sa akin, walang mali sa pagiging ganun. Sobrang ayos lang. May karapatan lahat ng nanay makialam sa buhay ng kanilang anak pati sa mga magiging asawa nila. Sa huli naman, mag-asawa pa din ang masusunod sa mga desisyon nilang pampamilya. Pero isa ang sigurado, kabutihan nyo lang ang gusto ng bawat ina. Siguro, ayaw lang ng mga babae sa mga mama's boy kasi alam nila kung paano mang-real talk ang mga nanay. At isa pa, iba na ang gusto ng mga babae ngayon. Dun sila sa madaming red flags, toxic, babaero at mga feeling bad boy. 😊 Nagpapakatanga sa mga lalaking walang intensyon at ambisyong maganda. 🫨 Just to end this up, I would like everyone to know na ang taong nagmamahal sa kanyang ina ang totoong marunong magmahal sa mga babaeng kagaya nyo.

Magbasa pa
TapFluencer

Ang pagtingin sa mga tawag na "mama's boy" at "daddy's girl" ay maaaring may kinalaman sa kultura at tradisyon. Sa ilang kultura, ang pagiging "mama's boy" ay maaaring ituring na negatibo dahil ito'y maaaring magdulot ng pagtingin na labis na nakadepende sa ina. Sa kabilang banda, ang "daddy's girl" ay maaaring ituring na cute dahil sa positibong asosasyon ng isang magandang relasyon sa ama.

Magbasa pa

Asawa ko ganyan Nakatira pa rin sa nanay nya while ako at yung baby ko nasa parents’ ko. Take note, kasal kami. Di magkasundo yung husband ko at ang father ko, and there’s no way I would live with his mom kasi alam kong mas matimbang sa kanya yung nanay nya. So we lice separate houses and we’re married. Yung nanay nya hindi man directly nag aadvise pero madami syang side comment. Nangengealam.

Magbasa pa
12mo ago

hala bakit naman ganito , huhu.. affected mga kids.

Honestly wala akong kilalang "Daddy's Girl" na nung tumanda ay problematic. Pero madami akong kilalang "Mama's Boy" na nung tumanda at nagkasariling pamilya ay malaking problema ito sa marriage nila. BUT THAT IS JUST ME

Nabasa ko somewhere "Simply put, a mama's boy is a term used to describe a man who is excessively attached to his mother. This is not to be confused with a close mother-son bond, but a man who is overly dependent on his mom."

12mo ago

I hope you and your husband can find some common ground where both of you can live comfortably and raise your child together (whether you're living with your parents or separate from them). And I pray that this year will be the beginning where both of you can foster your relationship with your in-laws because you can turn your situation from Him Vs your dad and you Vs his mom into Him+Your Dad and you+his mom. - a piece of advice from a 24-yr old mom with a 2-yr old son who can somehow relate with your situation 👋 if you're interested to know what I did and am doing to foster my relationship with his mom, I would love to share it with you.

Post reply image

onga bat nga ang unfair. I am a mom of a 3 year old boy and 2-month old girl. Minsan winoworry ko pa na baka tumandang Mama's Boy ito. pero yung Tatay pinagmamalaki pa nila na Daddy's Girl yung anak naming babae.

Daddy's Girl meaning spoiled (if negative) pero mostly positive. Pansin ko mga kakilala kong Daddy's Girl lumalaki silang Strong & independent woman. Yung mga mejo nagbibisyo naman, sila yung may Daddy's issues.

Siguro dahil sa society expects males to be "strong and independent" and females to be "weak and helpless" kaya parang pangit kapag sa lalaki pero natural lang sa babae 🤷‍♀️

12mo ago

+1 on this

pag Mama's boy kasi parang ang dating eh walang sariling desisyon ang anak lahat iasa sa nanay, pag daddy's girl naman parang yung anak ay spoiled na spoiled sa tatay

dami kasing pwede i. accessories sa girl kaya napakacute tingnan especially kapag clingy yung daddy, mom is so happy na makita both love nya na nagkakavibes..