Depressed

Makikiraan lang po. Wala kasi ako masabihan ng feelings ko, or ng struggles. 8 months pregnant ako, and I feel so anxious to the point na hindi ako nakakatulog dahil tuwing pipikit ako problema naiisip ko. Wala pa kaming naitabing pera for my delivery. Naka-LOA without pay kasi ako at yung maternity benefit from SSS lang inaasahan ko. Kahit basic needs for baby like alcohol,shampoo, sabon, wala pa. Pati yung laboratory na hinihingi ng OB di ko pa nagawa dahil iniisip ko baka kapusin kami. I have 3 kids. Kung kami lang sana kaya pa makapagtabi. The thing is yung 2 pamangkin ni hubby nasa puder namin. Dahil given nga na sa byenan ko tong bahay na tinutuluyan namin at naiwan sa amin yung mga bata (batang isip, dalaga't binata na, 14 and 15 years old), so kailangan namin saluhin. Kasama namin yung kapatid ng asawa ko na bunso, single, may trabaho, pero di rin makatulong sa gastusin. Yung baon ng pamangkin nya na tig sampu kada isa. Then s amin lahat. Ewan ko ba kung makwenta lang ako o ano, pero sa tuwing nasa bingit ng bangin ang budget ako nasasabon sa asawa ko. Lalo akong nadedepress. I feel worthless. mas malaki sahod ko kesa sa kanya. Pero di ko na kasi kaya graveyard shift kaya ako pinag-LOA ng company. minsan luluha nalang ako bigla ng hindi ko namamalayan. Di ko man lang ma-open sa asawa ko yung sitwasyon. Minsan sasabihan nya ako madamot daw ako dahil yung mga bagay na for hygiene di ako nagpapaheram pag nangheheram pamangkin nya. Kapag naman may humingi ng tulong sa kanya na kaanak andya agad sya. Madaming beses nagpaheram ng pera hindi na binayaran, tapos ako pa daw madamot. Gulo na ng utak ko. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa. Sorry kung mahaba. Labas lang ng sama ng loob.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo po siya para malaman nya ung nararamdaman mo at sitwasyon na meron kayo.. Mahirap ganyan mommy kc ung baby mo nagsusuffer.. Actually parehas tau ng situation 8mos preggy dn ako at during my 3rd month of pregnancy d nko fit to work until delivery date Ko.. Dami namin gastos kc pabalik balik ako sa hospital gusto p ng tatay ko private hospital ako kaya walang nagawa hubby ko.. Siya lng nagwowork ngaun, ung savings ko ubos na kc pabalik balik ako sa hospital wla dn xang ipon kc kami lahat sa bahay (kasama namin kapatid nya, mom and dad nya sa bahay) pag sweldo nya walang natitira smin kc ang laki ng mga bills namin.. Buti nlng every month nagfafile ako ss sick leave, binabayaran ako ng ss.. un pinambili namin ng gamit ni baby.. ung iba tinabi namin para sa panganganak ko.. nagloan dn kmi s ss, wg mo stress sarili mo mommy kung nkaleave ka na.. mkipg coordinate ka s hr mo kung pwd ihabol ungs sickness mo or mag loan ka s ss.. tapos tabi mo pra sa panganganak mo.. Pray lagi mommy..

Magbasa pa
VIP Member

May stage na ganyan ang buntis, lahat ng bagay may meaning may problema lahat mali tapos ikaw feeling mo lahat ng tao pinapafeel sau na masama ka, parang wala kang kakampi. Dasal lang sis, dasal lang kay Lord ibibigay niya yan minsan magugulat kanalang walang wala na kayo pero may gagamitin si Lord para mabigyan kayo. Think positive lang😊 kakayanin yun ang isipin mo dahil di mo namamalayan nakakasurvive na pala kayo sa kagipitan at makakapag adjust karin😊 mararamdaman ng bata na dinadala mo kapag malungkot ka.. sige ikaw rin magiging malungkutin ang baby mo😂 kaya gawa ka ng mga bagay na ikakasaya mo at malilibang ka para di lagi problema nasa isip mo magisip ka ng iba mgagandang bagay at mga gusto mo gawin😊😊😊 Kaya muyan sis tiwala lang kay Lord.

Magbasa pa
VIP Member

Same lang tayo. 8months preggy na din ako kahit isa wala pa kami dahil kapos din kami sa pang araw araw ba naman na gastos un kinikita ng asawa ko sa pag ggrab kulang na kulang, ni wala pa sa kalahati un natatabi namen sa banko for my delivery. Buti pa un iba may sss may philhealth ako ksi ni isa walang ganyan kaya wala kaming aasahan hndi naman laging bumabyahe asawa ko para may pagkuhaan kami. Kaya ito nag aantay na lang din ng biyaya konting tiis tyaga lalo na ng dasal kasi alam ko naman after neto matatapos din to. Makakaraos din tayo. Pray lang di tayo papabayaan ni God na naghihirap. Have a safe delivery mamsh.Godbless!

Magbasa pa
VIP Member

Mag usap kayo magasawa momsh., mahrap madepress sa sitwasyon mu ngaun., kami ng asawa ko same kami walang work minsan nagpapart time siya sa pangingisda para may pang ulam at college student pa din siya thank God at libre ang tuition minsan umiiyak na lang ako dahl d ko mabili yung gusto ko kainin dahl wala ding pera pero iniisip ko na lang may plano ang Diyos., dito kami sa puder ng mama ko si mama din ang bumibili ng vitamins at gatas ko thank God wala naman kami naririnig sakanya., pray lang momsh at wag masyado mag isip

Magbasa pa

Momshie... Isipin mo nalang... Mas maganda ang nagbibigay kaysa ikaw ang humihingi... Saka magdasal ka lang tiyak kong di kayo kakapusin... Wag kang masyadong tumingin sa pera lalo kayong mawawalan pag ganyan... Bagkos mas dapat proud ka sa hubby mo kasi di madamot... Ang mas nagpapahalaga sa pera mas lalong mawawalan nito yan ang sabi ni God. Kaya naman wag kang mag isip... Tiyak Kong may gagawing himala si God sa inyong mag asawa iaasa mo sa kanya panganganak mo sa panginoon wag kang umasa sa pera.

Magbasa pa
VIP Member

Aw mommy, mag open up ka sa hubby mo.. Ung laboratory pwede ka mag hanap ng mas murang package kung may mahihiraman ka na kamag-anak o ka workmate baka pwede ka lumapit magawa lang ung mga lab tests mo.. Or kung may maibebenta kang mga gamit na di naman gaano kailangan na baka pwede pagkakitaan un.. Mahirap talaga mag budget lalo na pag isa lang may trabaho. Kami nga kung kailan malapit na ko manganak eh paubos na ipon namin.. Haaay.

Magbasa pa

be strong momsh kaya mo yan! pero for me, need nio pagusapan talaga yan ng asawa mo ng masinsinan kasi hindi biro yan. daming gastos sa bahay nio. pde naman yan gawan ng paraan kung mapaguusapan lang ng maayos. kung ako sayo unahin mo ang mga needs talaga ng anak mo. kasi 8mons ka na db? lapit ka na talaga manganak. so yan ang iprioritize mo. wag mo muna isipin yung iba. unahin mo sarili mo at si baby mo.

Magbasa pa

kaya mo yan mommy ramdam kita hirap nga ng ganyan sitwasyon gawin mo mommy kahit pa isa isa item kada sahod bumili kna para di ganon kalaki gastos pag isang bilihan mas ok din na kausapin at ipaliwanag mo sa asawa mo ang lahat yung usapang masinsinan na hindi mainit pareho ang ulo niyo yung makakasagot sya sayo ng galing sa puso niya at ganon ka din..yung parehong kalma lang

Magbasa pa

emotional po talaga pag buntis momshie. pero always look po sa positive side ng mga bagay bagay. ganyan din po kami sa bahay i have two kids 8months preggy kasama namen sa bahay yung dalawang kapatid ng asawa ko tska tatay nya. kami naka ng hubby ko ang naka shoulder sa food allowance. always look po sa positive side nang pangyayari then pray lang po.

Magbasa pa

Normal lang maging emotional.. pero sis mainam pa din mag open ka lahat sa asawa ko se partner kayo ee, sya dpt dumadamay sayo at bawal po mastress. sabihan mo po sya na ganyan sitwasyon wala kp ipon para baby nyo na darating kaya dpt magtipid ndi sa pagdadamot pero kelangan nyo dn magtabi para sainyo se para incase man e may magagamit kayong pera.

Magbasa pa