Depressed

Makikiraan lang po. Wala kasi ako masabihan ng feelings ko, or ng struggles. 8 months pregnant ako, and I feel so anxious to the point na hindi ako nakakatulog dahil tuwing pipikit ako problema naiisip ko. Wala pa kaming naitabing pera for my delivery. Naka-LOA without pay kasi ako at yung maternity benefit from SSS lang inaasahan ko. Kahit basic needs for baby like alcohol,shampoo, sabon, wala pa. Pati yung laboratory na hinihingi ng OB di ko pa nagawa dahil iniisip ko baka kapusin kami. I have 3 kids. Kung kami lang sana kaya pa makapagtabi. The thing is yung 2 pamangkin ni hubby nasa puder namin. Dahil given nga na sa byenan ko tong bahay na tinutuluyan namin at naiwan sa amin yung mga bata (batang isip, dalaga't binata na, 14 and 15 years old), so kailangan namin saluhin. Kasama namin yung kapatid ng asawa ko na bunso, single, may trabaho, pero di rin makatulong sa gastusin. Yung baon ng pamangkin nya na tig sampu kada isa. Then s amin lahat. Ewan ko ba kung makwenta lang ako o ano, pero sa tuwing nasa bingit ng bangin ang budget ako nasasabon sa asawa ko. Lalo akong nadedepress. I feel worthless. mas malaki sahod ko kesa sa kanya. Pero di ko na kasi kaya graveyard shift kaya ako pinag-LOA ng company. minsan luluha nalang ako bigla ng hindi ko namamalayan. Di ko man lang ma-open sa asawa ko yung sitwasyon. Minsan sasabihan nya ako madamot daw ako dahil yung mga bagay na for hygiene di ako nagpapaheram pag nangheheram pamangkin nya. Kapag naman may humingi ng tulong sa kanya na kaanak andya agad sya. Madaming beses nagpaheram ng pera hindi na binayaran, tapos ako pa daw madamot. Gulo na ng utak ko. Parang gusto ko ng lamunin ng lupa. Sorry kung mahaba. Labas lang ng sama ng loob.

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same lang tayo. 8months preggy na din ako kahit isa wala pa kami dahil kapos din kami sa pang araw araw ba naman na gastos un kinikita ng asawa ko sa pag ggrab kulang na kulang, ni wala pa sa kalahati un natatabi namen sa banko for my delivery. Buti pa un iba may sss may philhealth ako ksi ni isa walang ganyan kaya wala kaming aasahan hndi naman laging bumabyahe asawa ko para may pagkuhaan kami. Kaya ito nag aantay na lang din ng biyaya konting tiis tyaga lalo na ng dasal kasi alam ko naman after neto matatapos din to. Makakaraos din tayo. Pray lang di tayo papabayaan ni God na naghihirap. Have a safe delivery mamsh.Godbless!

Magbasa pa